Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katutubong Dumagat-Remontado, binisita ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 13,063 total views

Inilarawan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang Simbahan bilang isang inang hindi nakakalimot dumalaw at kumalinga sa kanyang mga anak.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang pagbisita sa mga katutubong Dumagat-Remontado sa Sitio Nayon sa Barangay Sta. Ines at Daraitan, Tanay Rizal, bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje o ang Mahal na Birhen ng Antipolo, at ng ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng imahen.

Ayon kay Bishop Santos, bahagi ng pagiging Simbahan ang aktibong paglapit sa mga malalayong pamayanang higit na nangangailangan.

“Ito ang ginagawa ng Diyosesis ng Antipolo—pumunta kami rito upang sa ganun ay ilapit ang simbahan sa kanila. Ipadama ang simbahan ay nangangalaga, nagmamalasakit, nagmamahal sa kanila. At ang nais ng simbahan ay sila’y matulungan, sila ay damayan, at ang kanilang pangarap ay matupad sa buhay,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Nakatuwang ni Bishop Santos sa gawain sina Fr. Michael Antalan, AM, kura paroko ng Holy Family Quasi-Parish – Cuyambay at Priest coordinator ng Diocesan Commission on Indigenous Peoples; Fr. Jovie Nepomuceno, rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine of the Holy Face of Manopello – Parish of St. Jude Thaddeus – Sampaloc, Tanay; gayundin ang Caritas Antipolo at ilang lay volunteers.

Nasa humigit-kumulang 400 katutubong pamilya ang nabahaginan ng tulong, kabilang ang bigas, pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.

Samantala, ibinahagi rin ni Bishop Santos ang pagsusulong sa pangmatagalang suporta tulad ng programang pangkabuhayan at iba pang konkretong suporta para sa komunidad.

Kabilang dito ang tulong sa transportasyon ng mga produkto mula sa liblib na pamayanan patungo sa mga pamilihan.

“Iyong kanilang mga pananim para madala sa Cogeo at Lower Antipolo, ang simbahan na ang tutulong. Tayo na ang magpo-provide sa kanila ng sasakyan upang hindi na sila gumastos,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak naman ni Bishop Santos na magpapatuloy ang pagdalaw sa mahihirap at liblib na pamayanan bilang patuloy na pagpapadama ng pakikiisa at malasakit ng Simbahan at ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa buhay at kinabukasan ng mga katutubong Dumagat-Remontado.

“Ito po ay tanda na ang simbahan ay lumalapit sa kanyang kawan at ang simbahan, tulad ng isang ina, ay dapat mangalaga at itaguyod ang kanilang buhay,” saad ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang edukasyon ay hindi eksperimento

 74,095 total views

 74,095 total views Mga Kapanalig, may mungkahi ang Department of Education (o DepEd) na gawing trimester ang school year 2026-2027 mula sa nakagawiang apat na quarters. 

Read More »

Sa malao’t madali

 91,094 total views

 91,094 total views Mga Kapanalig, susunod kaya sa The Hague ang mga pinakamasunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte? Pinangalanan ng International Criminal Court (o ICC)

Read More »

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 118,076 total views

 118,076 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 271,461 total views

 271,461 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Lotilla, itinalagang ambassador sa Vatican

 9,700 total views

 9,700 total views Itinalaga ni Pangulong Fedinand Marcos Jr. si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Raphael Lotilla bilang Philippine ambassador to the Holy

Read More »

RELATED ARTICLES

Simba kalusugan, ilulunsad ng CBCP-ECHC

 37,263 total views

 37,263 total views Ilulunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Healthcare (CBCP–ECHC) ang Simba Kalusugan, isang programang naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa

Read More »