1,050 total views
Pakikipag-tulungan ng mga lokal na pamahalaan ang pangunahing nakikitang solusyon ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues (ICSI) sa suliranin malaking problema sa pabahay ng pamahalaan.
Ayon kay Ana Marie Karaos ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues (ICSI), tungkulin ng lokal na pamahalaan ng bawat lungsod na maisaayos ang mga problema ng kanilang munisipalidad patungkol sa pabahay ng mga residente partikular ng urban poor families.
“Ang nakikita naming mas systematic na solusyon diyan ay kailangan talagang kumilos ang mga local government units
na tungkol dito sa surilaning ito, kasi ang NHA bilang isang national agency limitado lang din ang kaya niyang maimpluwensiyahan na mga profession, so ang mungkahi namin, ang mga local government ay simulan nilang tingnan talaga ano ba ang pangangailangan ng pabahay sa kani-kanilang sariling mga locality, sa local government nila…”
pahayag ni Karaos sa Radio Veritas
Ipinaliwanag ni Karaos na sinasalamin ng naganap na pag-akin ng mga miyembro ng grupong KADAMAY ang malala at seryosong problema ng pabahay sa bansa.
Paliwanag nito, hindi lamang isang simpleng masisilungan ang kinakailangan ng mga maralita kundi isang desenteng matitirhan na mayroon naaangkop na pagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, kuryente at malapit sa kanilang mga hanapbuhay.
Batay sa Global Homeless Statistics, 44-porsiyento ng mga Pilipino ang nananatiling walang maayos na tirahan kung saan matatagpuan sa Metro Manila ang pinakamarami sa mga ito.
Kaugnay nito, nakasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika ang pagtulong sa mga nangangailangan kung saan ang mga nagugutom ay nararapat na pakainin, ang mga walang tirahan ay dapat na patuluyin, ang mga walang maisuot ay dapat bigyan ng mga damit at sa mga nangangailangang ay hindi dapat magkakait.
http://www.veritas846.ph/mga-nasunugan-sa-parola-compound-bibigyan-ng-pabahay-ng-caritas-manila/