Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Madalas na pagpapalit ng celphones, nagdudulot ng pinsala sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 599 total views

Hinimok ng Philippine Misereor Partnership Incorporated (PMPI) ang publiko na isabuhay ang “sapat-lifestyle”.

Ayon kay Mel Asia-program officer ng Anti-Mining Campaign ng PMPI, mahalagang baguhin ang mga nakasanayang gawain lalo na kung nagdudulot ito ng hindi magandang epekto sa kalikasan.

Inihalimbawa ni Asia ang pagbili sa mga mobile phone ngunit nagtataglay ng maraming minerals tulad ng gold, copper, at silver na nagmumula sa pagmimina sa kabundukan.

“Kailangan nating tingnan kung kailangan ba talagang panay tayo palit nang palit ng bagong unit ng mobile phones. Kasi sa study namin, nakita namin na ang mga cellphone pala ay maraming minerals na makukuha sa loob ng isang unit pa lang,” ayon kay Asia sa panayam ng Radio Veritas.

Iminumungkahi naman ng PMPI sa mobile phone companies na i-recycle na lamang ang mga lumang cellphones upang maiwasan din ang patuloy na pagmimina sa mga bundok.

Maituturing na maliit na piraso lamang ang mga mineral na makikita sa isang unit ng cellphone ngunit nagdudulot ito sa pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina.

“Kailangan nating makaroon ng change ng perspective na gumagana pa naman ang ating mobile phones so hindi natin kailangang mag-upgrade kasi ito ang uso,” pahayag ni Asia.

Batay sa tala, tinatayang nasa 3.5 bilyong katao o halos kalahati ng populasyon ng mundo ang gumagamit ng cellphone at patuloy pa itong dumarami kada araw.

Napag-alaman din sa pagsusuri na ang isang pangkaraniwang indibidwal ay madalas na nagpapalit ng cellphone kada dalawang taon nang hindi nireresiklo ang lumang unit na nauuwi sa pagkakaroon ng mga nakakalasong basura at pagsasayang ng kagamitan.

Sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco na gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mamamayan na may paggalang sa kapakanan ng tao at kalikasan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,753 total views

 69,753 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,528 total views

 77,528 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,708 total views

 85,708 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,319 total views

 101,319 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,262 total views

 105,262 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,809 total views

 1,809 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,139 total views

 3,139 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top