235 total views
Hinimok ng mga opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines o C-B-C-P ang mga botante na magdasal,magsakripisyo,pakinggan ang puso at konsensiya sa pagpili ng ihahal na karapat-dapat na lider ngayong araw ika-9 ng Mayo,2016 elections.
pakinggan ang puso at konsensiya
Binigyan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Iligan Bishop Elenito Galido na tanging ang pananalangin ang makapagbibigay gabay upang magkaroon ng mapayapang puso ang bawat isa na magdudulot ng maayos at tapat na halalan.
Naniniwala si Bishop Pabillo na kapag nawala ang pangamba sa puso ay magkakaroon ng responsableng desisyon ang mga botante si ibobotong kandidato na tunay na lingkodbayan.
“Mga pangamba ay nandyan, kaya una sa lahat yung mga pangamba suriin natin may basehan ba? Kasi baka naman may mga nanggugulo lang. Pangalawa,ang panalangin ang kapangyarihan ng panalangin ay huwag natin balewalain. Ipagdasal natin, magsakripisyo tayo at maging mapayapa ang puso natin para mapayapa din ang ating pagkilos…” panawagan ni Bishop Pabillo sa mga botante.
Kaugnay ng halalan, magsasagawa ngayong araw hanggang bukas ika-9 ng Mayo ng prayer vigil para sa tapat at mapayapang halalan ang Diocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.
Inihayag ni Iligan Bishop Elenito Galido na bukod sa prayer vigil ay magkakaroon ng early mass ang lahat ng parokya sa Diocese of Iligan bago magbukas ang lahat ng polling precincts sa lalawigan.
Kasabay nito ang maghapong exposition of the blessed sacrament sa buong araw ng Lunes habang isinasagawa ang election.
Samantala, espesyal na i-aalay ng Diocese of Cubao ang banal na misa para sa isang matahimik,mapayapa at maayos na resulta ng halalan bukas ika-9 ng Mayo.
Ayon kay Bishop Ongtioco, ipagdarasal nila ang limang libong PPCRV volunteers sa kanilang diyosesis kasama na ang mga botante.
Inihayag ng Obispo na special day ang araw ng eleksyon sa Diocese of Cubao kung saan mayroong mga prayer warrior na magdarasal para sa maayos na halalan.
“We have been emphazing the importance of prayer, voters education. Tomorrow wil be a special day since mataas na ang election fever.
Samantala kahapon, tinugon ng mga mananampalataya ang panawagan ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philipines na sabay-sabay na magsindi ng kandila at magdasal ng santo rosaryo para ipanalangin ang 54 .6-milyong botante na pipili ng bagong lider na uupo sa 18-libong posisyon sa gobyerno ngayong araw.