Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging anghel sa kapwa, hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 696 total views

Hinamon ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na maging anghel sa kanilang kapwa.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael nitong September 29.

Ayon kay Cardinal Advincula, nawa’y maging masigasig ang bawat isa na kalingain ang kanilang kapwa lalo’t higit ang naisasantabi sa pamayanan.

“Hinahamon tayo ng mga Arkanghel na maging anghel din sa ibang tao, na maging tugon sa kanilang mapapait na panalangin, na magdala ng paghilom at hindi ng pananakit, panunugat; na magpamulat sa liwanag ng Diyos at maging kalakbay na presensya ng Diyos sa kanilang buhay,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng arsobispo na tulad ng mga anghel ay maging daan ang tao upang dalhin sa harapan ng Panginoon ang kanilang mga intensyon sa pamamagitan ng mga panalangin at tulungang maibalik sa landas ng Diyos.

Sinabi ni Cardinal Advincula na naisasagawa ito ng mga anghel sapagkat buo ang kanilang atensyong nakatunghay sa mukha ng Diyos.

“Hingin natin ang tulong at panalangin ng mga arkanghel upang mahilom tayo sa ating kabulagan sa Diyos, masilayan ang kanyang mukha, matanto at masunod ang kanyang kalooban,” giit ni Cardinal Advincula.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa sa National Shrine of St. Michael and the Archangel sa Malacañan Complex na dinaluhan ng mga deboto ni San Miguel Arkanghel.

Ang parokya ay itinatag noong 1620s at ang kauna-unahang simbahang itinalaga kay San Miguel Arkanghel.
Kasalukuyan itong pinamumunuan ni Fr. Genaro Diwa katuwang sina Fr. Herbert John Camachoat Fr. Edgar Macalalag.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,200 total views

 6,200 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,184 total views

 24,184 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,121 total views

 44,121 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,314 total views

 61,314 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,689 total views

 74,689 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,313 total views

 16,313 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 23,284 total views

 23,284 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top