Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok ng Caritas Philippines na makilahok sa gawaing simbahan

SHARE THE TRUTH

 3,633 total views

Hinimok ng pangulo ng Caritas Philippines ang mananampalataya na aktibong makilahok sa mga gawain ng simbahan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo nakababahala ang pagkiling ng karamihan sa makamundong mga bagay na nagpapahina sa pundasyon ng pananampalataya.

Ipinagdarasal ng Obispo na ang mga banal na gawain sa paggunita ng Paschal Triduum ay magpapaigting sa ugnayan ng tao sa Panginoon.

“Let us now make our Holy Week meaningful and fruitful through our active participation in the Church’s Celebration. Let our participation in this most sacred season, make a difference in our life as Catholic Christians, create in us a deep desire to be in communion with God and in loving service to one another, and bring us inner joy at the celebration of Easter,” ayon sa pahayag ni Bishop Bagaforo.

Apela ng opisyal na gawing banal ang paggunita sa mga Mahal na Araw lalo na sa pagpapakasakit, pagkamatay at sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Umaasa si Bishop Bagaforo na magdulot ng pagpanibago sa lipunan ang aktibong partisipasyon ng mamamayan.

“We take this as a personal journey with Jesus for us to be transfigured and as we take our brothers and sisters with us and lead them to HIm who transforms us,” dagdag ng opisyal.

Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang mananampalataya na makipagkasundo sa kapwa at sa Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng pagbabalik loob gayundin ang pagkalinga sa pangangailangan ng kapwa sa tulong Alay Kapwa program ng simbahan.

Ilan sa mga maaring gawin ngayong semana santa ang Visita Iglesia, Via Crucis, Pagbabasa ng Pasyon at iba pa.

Binigyang diin ni Bishop Bagaforo ang pundasyon sa Mahal na Araw ang Pagtitika, Pag-aayuno at Panalangin upang ganap na makiisa sa kaluwalhatiang dala ni Hesus na muling nabuhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,308 total views

 10,308 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,408 total views

 18,408 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,375 total views

 36,375 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,694 total views

 65,694 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,271 total views

 86,271 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,543 total views

 3,543 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,151 total views

 9,151 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,306 total views

 14,306 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top