Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinag-iingat ng Obispo sa donation scam

SHARE THE TRUTH

 384 total views

Pinaalalahanan ng obispo ng Novaliches ang mamamayan na mag-ingat sa pagbibigay ng tulong upang makaiwas sa pananamantala.

Ito ang mensahe ni Bishop Roberto Gaa hinggil sa pangangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha at napinsala ng magkakasunod na bagyo.

Sa video message ng obispo, nangangamba ito na sa maaring pananamantala dahilan upang hindi makaabot sa mga apektadong residente ang tulong.

“Marami ang nagpa-facilitate ng tulong pero mag-iingat po tayo baka hindi lahat ng humihingi ng tulong ay maipapaabot sa mga kinauukulan; mahalaga sa mga reputable na nagbibigay ng tulong,” pahayag ni Bishop Gaa.

Paalala naman ng obispo sa mga nangangalap ng donasyon na isaisip, isapuso at pangalagaan ang reputasyon kaya’t mahalaga ang transparency.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa napakahirap bumangon at hilumin kung masisira ang reputasyon ng isang tao kaya’t dapat pag-ingatan ito.

Nauna nang nagbabala ang Caritas Manila at iba pang diyosesis sa bansa na maging mapanuri at siyasating mabuti kung lehetimo ang mga humihingi ng donasyon upang makaiwas sa panloloko lalo na sa online scam.

Ito’y kasunod ng pagkalat ng mga pekeng apela ng donasyon gamit ang pangalan ng simbahan at ilang lider nito.

Iginiit ni Bishop Gaa na mahalagang magkaroon ng sistema sa pangangalap lalo na sa cash donations upang makita ng mga donors ang pinatutunguhan ng kanilang donasyon.

“May sistema sana tayo sa paghingi ng tulong at makita doon na maayos ang proseso, very systematic; makikita ang pagpasok, pag-account at paglista ng mga natanggap na tulong,” paliwanag ng obispo.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang Caritas Manila, Caritas Philippines at ang mga social action centers ng bawat diyosesis sa bansa sa paglingap sa mahigit 3-milyong indibidwal na biktima ng mga pagbaha sa Luzon bunsod ng magkakasunod na bagyong Pepito, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo at Ulysses.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,903 total views

 23,903 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 32,003 total views

 32,003 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 49,970 total views

 49,970 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 79,049 total views

 79,049 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 99,626 total views

 99,626 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,872 total views

 4,872 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,479 total views

 10,479 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,634 total views

 15,634 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top