Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

SHARE THE TRUTH

 116,979 total views

Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa.

Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic.

Ipinaliwanag ng Obispo na marami pa rin sa mamamayan ang hindi nagpabakuna laban sa Covid-19 dahil sa takot sa epekto ng gamot at sa kanilang paniniwala.

“We encouraged them to go back pero pinag-iisipan pa namin kung e-lift na yung dispensation kasi meron talagang mga tao na apektado pa rin nung pandemya. Parang is this their choice na hindi magpabakuna kasi hindi sila naniniwala sa bakuna and for us na to not discriminate against them we continue to make online mass,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air.

Sinabi ng obispo sa pamamagitan ng online platform na nagsimula noong pandemya ay nakalikha ang simbahan ng ibang paraan para makipag-ugnayan sa mananampalataya.

Bukod sa misa, sinabi ni Bishop Gaa na maari din itong pagkakataon ng simbahan sa paglalagay ng iba pang makabuluhang ‘content’ sa social media tulad ng katesismo sa mga sakramento.

“Parang sa akin why deprive them that relationship that we already built-up while in fact, it has been effective and it continues to be an opportunity na magkaroon ng ibang content,” ayon pa kay Bishop Gaa.

Naunang ipinag-utos ng Diocese of Imus at Archdiocese of Manila sa mananampalataya ang pagbabalik sa pakikibahagi sa pagdiriwang ng misa sa mga parokya.

Ayon sa sirkular na inilabas ni Imus Bishop Reynaldo Evanghelista, ang kautusan ay ipatutupad simula sa April 2, Palm Sunday.

Sinasaad din sa liham ng obispo ang pagbawi sa kautusan noong July 2020 kaugnay sa Dispensation from Sunday Obligations of the Faithful during the Coronavirus Pandemic 2019.

Una na ring hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya ang personal na pagdalo sa pagdiriwang ng mga misa sa mga parokya.

Ang paanyaya ng kardinal ay kaugnay na rin sa paggunita ng simbahan ng panahon ng kwaresma at Mahal na Araw.

Sa loob ng nakalipas na tatlong taon, ipinatupad sa mga simbahan ang mga online masses dahil na rin sa panganib ng novel coronavirus pandemic.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 10,048 total views

 10,048 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 30,776 total views

 30,776 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 39,091 total views

 39,091 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 57,684 total views

 57,684 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 73,835 total views

 73,835 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 18,384 total views

 18,384 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,987 total views

 100,987 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,168 total views

 91,168 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top