Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan ng Radio Veritas sa isasagawang Lenten exhibit

SHARE THE TRUTH

 2,541 total views

Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya sa isasagawang Lenten exhibit bilang pakikiisa sa paglalakbay ngayong mga Mahal na Araw.

Ayon kay Radio Veritas Religious Department Head Renee Jose ito ang hakbang ng himpilan upang samahan ang mananampalataya sa pagninilay sa mahahalagang araw ng kristiyanong pamayanan.

Tinuran nito na ito ang pagkakataong mas ipaalala sa tao ang kahalagahan ng paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na pinakatampok sa pananampalatayang Kristiyano

“This exhibit will hopefully help the faithful in their Lenten pilgrimage and strengthen their faith,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.

Isasagawa ang lenten exhibit sa April 1 hanggang 9 o sa kabuuang mga Mahal na Araw sa Fisher Mall Entertainment Center, Quezon City.

Tampok sa exhibit ang mga imahe ng Panginoong Hesus na naglalarawan sa Passion of Christ gayundin ang imahe ng Mahal na Birheng Maria kabilang na ang Mater Dolorosa.

Bukas sa publiko ang exhibit mula alas 10 ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi kung saan maari ring mag-alay ng panalangin na isasama sa mga misa ng Radio Veritas sa alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi.

“They can also send their prayer intentions and be one of our spiritual frontliners, which will be included in our daily masses,” ani Jose.

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Jose sa telepono (02) 8925-7931 to 39 local 129, 131, 137 o mag-text sa 0917-631-4589.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,721 total views

 26,721 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,821 total views

 34,821 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,788 total views

 52,788 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,845 total views

 81,845 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,422 total views

 102,422 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,105 total views

 5,105 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,712 total views

 10,712 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,867 total views

 15,867 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top