Mananampalataya, pinaalalahanang magtiwala sa batang Sto.Nino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,038 total reads

Inihayag ng opisyal ng Vatican na isang buhay na saksi ng pananampalataya at pag-ibig ng Diyos ang bawat tagumpay na tinatamasa sa pananalig sa Panginoon.

Ito ang mensahe ni Cebuano priest Msgr. Jan Thomas Limchua, opisyal ng Section for the Relations with States ng Vatican, sa unang araw ng misa nobenaryo ng Sto. Niño sa Basilica Minore del Sto.Niño de Cebu.

Ayon sa pari, nawa’y matutuhan ng mananampalataya na magtiwala sa batang Hesus na isinilang sa mundo para sa kapakinabangan ng sangkatauhan.

Binigyang diin ni Msgr. Limchua na ang pananalig kay Hesus ang magpapatatag sa bawat isang harapin ang iba’t ibang hamon ng buhay.

“This is the time to turn to Señor Santo Niño, not only to heal us, but to give us the courage and strength to face our own battles in life and to give us his true and lasting peace.” bahagi ng pagninilay ni Msgr. Limchua.

Nitong January 5 ay nakiisa ang may 5, 000 deboto ng batang Hesus sa isinagawang Penitential Walk with Jesus bilang paghahanda sa kapistahan ng Sto. Niño.

Muling binuksan sa unang pagkakataon ang Porta Mayor ng basilica makalipas ang dalawang taong pananatiling sarado dahil sa pandemya.

Bukod dito bubuksan na rin sa publiko ang pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu kung saan magkatuwang ang lokal na pamahalaan at simbahan sa pagpapaigting ng safety protocol upang maiwasang maging super spreader ang religious gatherings.

Paalala ng mga Agustinong misyonero sa mga deboto ng Sto. Niño ang pagsunod sa mga itinakdang alituntunin at isapuso ang pagdiriwang nang may ibayong paggalang at pagpapalalim sa pananampalataya sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,930 total reads

 121,930 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,810 total reads

 165,810 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,564 total reads

 215,564 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,760 total reads

 374,760 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 396,342 total reads

 396,342 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top