Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manigong bagong taon, kahilingan ng Rector ng Quiapo church sa Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

 492 total views

Isang manigong bagong taon ang kahilingan ni Msgr. Hernando Coronel para sa darating na taong 2021.

Ito ang pagninilay ng rector at parish priest ng Minor Basilica of The Black Nazarene O Quiapo Church sa unang araw ng Misa De Gallo nitong Miyerkules, ika – 16 ng Disyembre.

Sa Misa de Gallo, hinimok ni Msgr. Coronel ang mahigit sa isanlibong mananampalataya na dumalo na manatiling kumapit at manalig sa diyos sa kabila ng iba’t-ibang hamong kinaharap ng lipunan dulot ng pandemya at mga kalamidad.

“Ang hiling ko sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang isang manigong bagong taon 2021, na matapos na itong pandemyang COVID-19. Mas kumapit tayo sa Diyos mga Kapatid,”pagninilay ni Msgr. Coronel.



Mahigpit na ipinatupad sa Quiapo Church ang safety protocol bilang pag-iingat mula sa nakahahawang virus lalo na ang physical distancing sa loob at labas ng simbahan.

Hinikayat ni Msgr. Coronel ang mananampalataya at deboto ng Poong Nazareno na sundin ang kautusan ng pamahalaan kaugnay sa pag-iingat sa kalusugan upang mapigilan na ang pagkalat ng COVID-19.

“Mag-ingat po tayo at sundin natin ang mga safety health protocol. Nawa’y makabalik tayo sa normal na malayang makapagsamba at makapaglingkod sa ating Panginoon, ” dagdag ng pari.

Magkatuwang ang mga Hijos at kawani ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng mga safety measures sa paligid ng Quiapo upang mapanatili ang kaayusan.

Nakatalaga lamang sa Palanca street ang entrace o papasok ng simbahan habang exit points naman sa Carriedo street at Quezon Boulevard upang matiyak na kontrolado lamang ang mga taong makapapasok ng simbahan at mapanatili ang physical distancing.

Sa pagpasok sa loob ng simbahan kinakailangan dumaan sa foot bath ang bawat isa, habang nakaantabay din ang pag-check sa temperature at paglalagay ng alcohol sa kamay gayundin ang pagsusulat sa contact tracing form.

Umaasa si Msgr. Coronel na diringgin ng Panginoon ang mga pagsusumamo at kahilingan ng mananampalatayang nagsasakripisyo sa siyam na araw na paghahanda ng Pasko ng Pagsilang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 21,936 total views

 21,936 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 30,036 total views

 30,036 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,003 total views

 48,003 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,107 total views

 77,107 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 97,684 total views

 97,684 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,718 total views

 4,718 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,325 total views

 10,325 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,480 total views

 15,480 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top