236 total views
Maituturing rin na mga misyunero ng Mabuting Balita ng Panginoon ang mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa.
Ito ang inihayag ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes–Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission ngayon papalapit na panahon ng Kuwaresma.
Paliwanag ng Obispo, bukod sa paghahanapbuhay sa iba’t ibang bansa upang makapagbigay ng magandang buhay sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa Pilipinas ay nagsisilbi ring tagapagpalaganap ng pananampalatayang Katoliko ang mga Pilipino sa ibayong dagat.
“They would atleast be witness of the faith if they will not directly proclaim atleast they are witness that they are good Christian, good Catholic and then they are also doing a lot of activities in the local church like in America, so many Filipino are going to Church, it’s just because of Filipino’s that somehow many parishes in America are still alive, and we are encouraging it…” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bastes, sa panayam ng Radyo Veritas
Pagbabahagi pa ng Obispo, hindi na kailangan pang ipahayag ng mga OFW ang partikular na mga Salita ng Diyos sapagkat sapat na ang buhay na pananalig at pananampalatayang ipinapamalas ng mga Filipino sa kanilang pagsusumikap na maghanapbuhay malayo sa kanilang mga pamilya.
Ayon sa Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5,000 mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw na kung susumahin ay tinatayang aabot sa kabuuang 1.8-milyong Pilipino kada taon.
Una na ngang binigyang diin ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People ang halagahan ng mga OFW sa lipunan at kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2015 tumaas pa ng 3.6 na porsyento ang OFW cash remittance na umabot sa 22.83-billion dollars kumapara sa 22.08-billion dollars noong 2014.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) may 11 milyong OFW ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo