Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Modern technology, gagamitin ng Mindanao Bishops sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko

SHARE THE TRUTH

 865 total views

Tiniyak ng Mindanao Bishops ang pagpapaigting sa misyon upang higit na lumago ang pananampalataya.

Ito ang buod ng 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference na ginanap sa Cagayan de Oro nitong November 7 at 11.

Sa pinagsamang pahayag ng MSPC alinsunod sa temang ‘The Gift of Faith and New Evangelization as a Synodal Church’ palalawakin nito ang misyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng teknolohiya.

“We continually commit ourselves, through the witness of our lives and the use of new and creative tools of evangelization (radio, television, print, and social media) to venture into new missionary frontiers (politics, culture, education, recreation, economics, etc.), to nurture and propagate the gift of faith with the same intensity and sense of purpose in the family especially those in difficult situations.” bahagi ng pahayag ng MSPC.

Bukod dito paiigtingin din ang Basic Ecclesial Communities at iba pang grupo na makatutulong mapaunlad ang simbahan batay sa tuntuning ‘communion, participation and mission’ at maging katuwang ng simbahan sa pangangalaga sa kawan ng Panginoon.

Pakikinggan din ng mga lider ng simbahan ang nasasakupang pamayanan lalo na ang mga naisasantabing sektor at walang boses sa lipunan kabilang na ang mga kabataan na tinaguriang tagapagsulong ng diyalogo, ‘peer evangelizers’ ng pananampalataya at ‘catalyst of change’.

“We continually commit ourselves to open the ears of our hearts to the voices that are often ignored, especially the poor and the marginalized, other sectors of society (LGBTQ+, PWD, OFW, etc.), the silent and even the discordant voices, so that our journey of faith will truly be inclusive and synodal.” giit ng grupo.

Isusulong din ng Mindanao Bishops ang pagpapatibay sa ecumenism at interreligious dialogue sa iba’t ibang pananampalataya.

Napagkasunduan din ng kapulungan ang pagtatatag ng Integral Ecology Ministry na tututok sa mga programang mangangalaga sa kalikasan at ang Ministry of Research and Studies na mangangasiwa sa mga datos hinggil sa gawaing ebanghelisasyon at misyon ng simbahan.

Dumalo sa ika – 17 pagtitipon ng MSPC ang 275 delegado mula sa 21 diyosesis sa Mindanao region habang nakiisa rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,760 total views

 8,760 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,860 total views

 16,860 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,827 total views

 34,827 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,157 total views

 64,157 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,734 total views

 84,734 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,402 total views

 3,402 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,010 total views

 9,010 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,165 total views

 14,165 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top