Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa war on drugs, binigyang pagkilala

SHARE THE TRUTH

 50,603 total views

Binigyang pagkilala ni Arnold Janssen Kalinga Foundation Program Paghilom field coordinator Randy Delos Santos ang mga ina, asawa, at anak ng mga biktima ng marahas na War on Drugs noong nakalipas na administrasyong Duterte.

Kasabay ng paggunita sa Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso ay binigyan pagkilala ni Delos Santos ang mga kababaihan na patuloy sa paghahanap ng katarungan sa sinapit na karahasan ng mga mahal sa buhay.

Ayon kay Delos Santos na siya ring tiyuhin ni Kian Loyd Delos Santos na biktima ng pagpaslang sa ilalim ng War on Drugs noong 2017, mahalaga ang patuloy na pagtindig at paninindigan ng mga kaanak ng mga biktima ng karahasan upang makamit ang katarungan at mapanagot ang mga nasa likod ng malawakang pagpaslang sa mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Unang una nais ko silang bigyan ng komendasyon, yung mga nanay na mga naiwan ng mga naging biktima nitong EJK o yung nakaraang administrasyon na giyera kontra droga. Maraming salamat sa kanilang pagtindig at patuloy na pag-asam ng katarungan, nawa sa araw o buwan na ito ng pagkilala sa kanila ay magkaroon sana ng katarungan para sa kanila, para sa aming mga biktima partikular na dahil lahat naman kami ay naging biktima dito. Sana ay loobin ng Diyos na mangyari na sa hinaharap ang [pagkakaroon ng katarungan sa mga biktima].” Bahagi ng pahayag ni Delos Santos.

Ibinahagi naman ni Delos Santos ang pag-asang pinanghahawakan ng kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs dahil sa patuloy na paninindigan ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Tiwala si Delos Santos na hindi panghinaan ng loob ang mga kapamilya na naulila ng karahasan na isulong ang pagpapanagot sa lahat ng mga nasa likod ng marahas na War on Drugs sa bansa.

Natutuwa kami dahil ang ICC ay nagbigay ng kanilang pansin pa din upang tingnan ang bagay na ito dito sa atin sa Pilipinas, sana ay huwag silang panghinaan ng loob, patuloy na kumapit sa ating Panginoon at alam natin na darating ang panahon na maglalaan ang Diyos ng kanyang espiritu upang patuloy silang gabayan at yun nga yung pag-asa sa katarungan na sana ay makamit na ng mga pamilyang ito at salamat sa kanilang pagtindig, patuloy na pagtayo at pagpapakita ng mabuting halimbawa.” Dagdag pa ni Delos Santos.

Taong 2016 ng sinimulan ni Rev. Fr. Flavie Villanueva ang “Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Tema ng Women’s Month Celebration ang “WE for gender equality and inclusive society,” na paksang inilunsad para sa buwan ng mga kababaihan noong 2023 na may partikular na tema ngayong taong 2024 na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!” na naglalayong higit na maisulong ang patas na pagtingin at pagtanggap sa mga kababaihan at kanilang mga pambihirang kakayahan sa lipunan na kadalasang naisasantabi at naipagsasawalang bahala dahil sa kanilang kasarian.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 27,241 total views

 27,241 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,909 total views

 35,909 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 44,089 total views

 44,089 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,793 total views

 39,793 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,843 total views

 51,843 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,641 total views

 2,641 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,458 total views

 3,458 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top