7,170 total views
Nag‑alay ng panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos para sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Texas, Estados Unidos.
Ang pagbaha ay dulot ng matitinding pag-ulan na nagdulot ng pag-apaw ng Guadalupe River, na umabot ng higit sa 20 talampakan sa ilang bahagi ng Kerr County. Itinuturing ito bilang isa sa pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan ng rehiyon.
Sa ulat, higit sa 100 na ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang 96 sa Kerr County, karamihan ay mga batang nasa Camp Mystic; habang hindi bababa sa 170 katao pa ang nanatiling nanawala.
Sa harap ng trahedya, nanawagan si Bishop Santos ng pagkakaisa, pag-asa, at pananampalataya.
“O Lord of mercy and compassion, in this hour of grief and uncertainty, we lift up our voices to You as one body, united in compassion and faith,” bahagi ng kanyang panalangin.
Ipinagdasal din niya ang mabilis na paggaling ng mga sugatan at ang lakas ng loob ng mga pamilyang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Pinasalamatan din ng obispo ang mga rescuer, volunteer, at ordinaryong mamamayan na tumulong sa mga biktima.
“Bless the first responders, the volunteers, and every soul moved to help—may their efforts be a reflection of Your love,” dagdag pa ng obispo.
Ayon kay Bishop Santos, sa kabila ng lungkot at pagkawala, mahalagang manatili ang pananampalataya at pag-asa.
“Let this be not only a time of mourning, but a moment of rebirth,” ayon pa kay Bishop Santos na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.
Hiniling din ng obispo na nawa maging lakas at sandigan ng bawat nasalanta ang presensya ng Diyos.