Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa at kapayapaan sa mga tribu sa Kalinga

SHARE THE TRUTH

 380 total views

Ito ang hangarin ni Apostolic Vicariate of Tabuk Bishop Prudencio Andaya Jr. – dating Chairman of CBCP Episcopal Commission on Indigenous People ang isa sa prayoridad at tinututukan ng Simbahang Katolika sa lalawigan.

Ito ay kaugnay na rin sa ipinagdiriwang ng simbahan ng Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People.

Ayon sa Obispo, dahil sa hindi pagkakasundo ng iba’t ibang tribu ay marami sa mamamayan ang dumaranas ng kahirapan na kabilang sa tinutugunan ng Simbahan katulad ng mga hakbang upang maisulong ang peace movements.

“Mula nung naging Obispo ako sa Kalinga ang parang priority namin ay yung peace movements, yung unity ng mga tao, pagkakaisa ng mga tribu pagkatapos yung ang palagi naming ginagawa doon, tinututulungan namin sila dahil nang mga naghihirap dahil sa mga away-away ng mga tribu kaya doon kami tumutulong sa kanila,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Andaya sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipagdiriwang naman sa ika-12 hanggang ika-14 ng Pebrero ang pagdiriwang ng Silver Jubilee ng Kalinga bilang isang lalawigan.

Ayon kay Bishop Andaya, tema ng pagdiriwang ang “The Call of a Thousand Gongs, The Dance of a Thousand Pots” kung saan inaasahan ang pagtitipon-tipon ng mga tribu sa lalawigan upang ipamalas ang kanilang tradisyunal na sayaw at paraan ng pagdiriwang.

Tampok sa pagdiriwang ayon sa obispo ang bahaging ginagampanan ng Kalinga women bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapatatag ng cultural identity na sinisimbolo ng Palayok na ginagamit ng mga kababaihang katutubo sa pang-araw-araw na pangangalaga sa kanilang mga pamilya.

Nauna ng inihayag ni Bishop Andaya na 90-porsyento sa kabuuang populasyon ng Apostolic Vicariate of Tabuk ay binubuo ng mga katutubo mula sa iba’t ibang tribu sa Kalinga at Apayao.

Taong 1920’s ng nagsimula ang ebanghelisasyon sa lugar kung saan isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagbabahagi ng mabuting balita upang mapalalim ang pananampalataya ng mga katutubo at kanilang matagpuan ang Panginoon ng pag-ibig habang patuloy na ipinapamalas ang kanilang cultural practices at Indigenous belief.

Sa kasalukuyang mahigit sa 17 taon ng nagsisilbing Obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk si Bishop Andaya mula ng maitalaga taong 2003.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,840 total views

 14,840 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,508 total views

 23,508 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,688 total views

 31,688 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,698 total views

 27,698 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,749 total views

 39,749 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,655 total views

 1,655 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,474 total views

 2,474 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,866 total views

 7,866 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top