Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglago ng populasyon, nagpapaangat sa ekonomiya – PIDS

SHARE THE TRUTH

 284 total views

‘Maituturing na yaman ng bansa ang paglago ng populasyon.’

Ito ang pahayag ni Gilbert Llanto, presidente ng Philippines Institute for Development Studies (PIDS) sa 100.98 milyon na ang mga Pilipino batay sa huling census noong August 2015 na isinagawa ng Philippines Statistic Autority o PSA.

Ayon kay Llanto, positibo ang ganitong pagsusuri upang mas lalo pang mapadami ang serbisyo at trabaho sa bansa at mapataas pa ang 6.9 percent na antas ng ekonomiya ng bansa na naitala sa unang quarter ng 2016.

“Positively kailangan mo ng population growth to sustain our economy walang replacement ng generation were talking of economy that is dying. Parang what is happening in Japan na mabilis yung pagtanda ng mga tao walang ng bagong bata, bagong henerasyon that is slowly dying kung lumalago ang populasyon ibig sabihin maganda rin yun dahil kailangan rin ng ekonomiya yun. Ngayon, dun rin magmumula yung circle growth mula dun sa population na yun,” bahagi ng pahayag ni Llanto sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaugnay nito, iginiit ni Llanto na malaking problema pa rin ang istruktura ng bansa na hindi lumilikha ng trabaho sa lahat habang pinayayaman ang ilang mga negosyante at mga dayuhang namumuhunan sa bansa.

“Ang problema lang sa negative side, kung wala kang maibigay na trabaho o opportunity dito sa mga bagong henerasyon, ‘yun ang problema. Ang sinasabi ng iba kontrolin mo ‘yung paglago ng populasyon. Pero para sa akin kontrolin mo kung papaano ma – increase ang economy mo na mag – create ka ng jobs in other words kailangan mo ng sinasabi ng ilang economists na structural transformation. Hindi maaaring ipakol mo lang yung iyong tingin sa isang variable ng population growth,” giit pa ni Llanto sa Radyo Veritas.

Batay naman sa POPCOM o Commission on Population, ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong Enero 13, 2016 ay 102.4 milyon.

Napabilang ang Pilipinas na “Ika-labintatlong bansa na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.”

Katuruan ng Simbahang Katolika na huwag kontrolin ang populasyon sa halip bigyang pagkakataon ang mga sanggol sa sinapupunan na mabuhay at tiyakin na sila ay mapapangalagaan para na rin sa kinabukasan ng buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,095 total views

 14,095 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,032 total views

 34,032 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,292 total views

 51,292 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,826 total views

 64,826 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,406 total views

 81,406 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,569 total views

 7,569 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,084 total views

 71,084 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 96,899 total views

 96,899 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,437 total views

 135,437 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top