Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapahid ng abo, tanda ng pagpapakumbaba -Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 2,732 total views

Pinaalalahanan ng arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na ang pagpapahid ng abo ay paanyaya ng kapakumbabaan.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Jose Advincula sa ginanap na Banal na Misa sa Manila Cathedral nitong Ash Wednesday, February 22.

Ayon sa cardinal, dapat iwasan ng tao ang pagiging makasarili sa halip ay paigtingin ang pagkalinga sa kapwa lalo na sa maralita at mahihinang sektor ng lipunan.

“To have ashes on our head is symbolic of having the ground above us and so the ashes on our heads must humble our heads and bring our feet to ground, the ashes on our heads guard us against the delusions of self-righteousness, self-sufficiency, self-entitlement and self-grandiosity,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng arsobispo na ang panahon ng kuwaresma ay pagkakataong talikuran ang makamundong gawain at bigyang tuon ang pagpapalagong espiritwal.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na ipakita ang tunay na diwa ng pagkalinga upang maramdaman ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa.

“Let the ashes on our head remind us to pray with sincerity of heart, fast in genuine solidarity with the ones who are suffering, and give alms out of hearts that are truly contrite and compassionate,” ani ng cardinal.

Sa pagsimula ng 40-araw na paghahanda sa pagpakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus ay muling nagtungo sa mga simbahan ang mananampalataya upang makibahagi sa Miyerkules ng Abo.

Una nang ipinag-utos ni Cardinal Advincula sa Archdiocese of Manila ang muling pagbabalik sa nakagawaing pagpapahid ng abo sa noo ng mananampalataya makaraan ang tatlong taong pagpaliban bunsod ng COVID-19 pandemic.

Hinikayat ng opisyal ang mananampalataya na sa pagpahid ng abo sa noo ay maunawaan ang krus ni Hesus na sumasagisag ng tagumpay ng tawirin ang dilim ng kamatayan tungo sa landas ng katubusan ng sanlibutan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 3,641 total views

 3,641 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 21,608 total views

 21,608 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 51,144 total views

 51,144 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 71,828 total views

 71,828 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 80,051 total views

 80,051 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 2,056 total views

 2,056 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 7,673 total views

 7,673 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 12,828 total views

 12,828 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top