Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatanggal ng ‘arancel system’, ipatutupad ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 527 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-alis sa ‘arancel system’ sa mga parokya sa bansa kapalit ng mga serbisyong ibinibigay sa nasasakupan.

Sa Pastoral Statement on Stewardship na inilabas ng CBCP nitong Enero 28, iginiit nitong mahalagang maisabuhay ang pagiging katiwala ng Panginoon sa biyayang kaloob lalo’t ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity.

“We, as Church in the Philippines, once more commit ourselves to the gradual abolition of the arancel system. This is a concrete step in renewing ourselves in the practice of stewardship, praying that others may see us truly “as good stewards of God’s varied graces” (1 Pet. 4:10),” bahagi ng pastoral statement ng CBCP.

Paliwanag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, ang hakbang ng simbahan ay upang mabigyan ng tungkulin ang mananampalataya lalu na sa mga sakramento ng simbahan at pagsunod sa turo ng Panginoon na ipalaganap ang misyon sa sangkatauhan.

Ang ‘arancel’ na umiiral sa mga diyosesis sa bansa ay ‘fixed amount’ sa mga serbisyo ng simbahan na kadalasang naging hadlang sa mga mahihirap upang makatanggap ng mga sakramento.



Magsasagawa naman ang mga simbahan ng katesismo, pagsasanay at wastong edukasyon hinggil sa ‘Spirituality of Stewardship’ lalo na sa mga pari sa parokya bilang kapalit ng arancel system.

Hinikayat naman ni Archbishop Valles ang bawat mananampalataya na suportahan ang pagpapatupad ng stewardship program bilang pakikiisa sa misyon ng simbahan.

“Brothers and sisters, we are all part of this endeavor for we all belong to the Church, the one family of God. We all share responsibility for the Church. Thus, we encourage all the baptized to regularly, wholeheartedly and generously contribute to the Church so that we can fulfill our common mission of spreading the Good News, of serving humanity and caring for the whole of creation,” dagdag pa ni Archbishop Valles.

Patuloy din na hinikayat ng CBCP ang mananampalataya na pairalin ang pagiging mapagbigay lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan marami ang nahirapan dahil sa kawalan ng pagkakitaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,094 total views

 26,094 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,194 total views

 34,194 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,161 total views

 52,161 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,222 total views

 81,222 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,799 total views

 101,799 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,062 total views

 5,062 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,669 total views

 10,669 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,824 total views

 15,824 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top