199 total views
Pinaalalahanan ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Lingayen-Dagupan Arcbihshop Emeritus Oscar Cruz si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang tungkulin bilang pangulo ng bansa.
Ito ay matapos na magsalita si Pangulong Aquino ukol sa isyu ng Kidapawan Massacre na wala itong alam ukol sa naturang dispersal at maysakit siya noong nangyari ang insidente.
Ayon kay Archbishop Cruz, hindi masisi ang pangulo sa kawalan nito ng kaalaman ukol sa insidente sa Kidapawan na ikinasawi ng tatlong magsasaka ngunit obligasyon pa rin ng pangulong Aquino na siguruhin ang kapakanan ng taumbayan.
Pahayag pa ng Arsobispo dapat siguruhin lagi ng pangulo ang kabutihan ng mamamayan sila man ay nasa laylayan ng lipunan.
“Sana wag siyang magkakasakit, mahirap yun. Pero sana mas malaman niya ang nangyayari sa baba mahirap kasi sa isang namumuno sa taas ay sa taas parati nakatingin. Paminsan – minsan kailangan mo ring tumingin sa baba kasi dun ka may tungkulin bilang Presidente. Ang public service ay for common good, sana mas tingnan niya mga nagaganap sa mga lugar sa mga rehiyon, sa mga probinsya sapagkat dun naman nakasalalay ang kabutihan o kamalasan ng bayan.”pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas
Iginiit ni Archbishop Cruz na kailangang managot ang mga provincial at local officials sa Kidapawan na siyang may pasanin sa trahedya.
Sinasabi ng kasalukuyang alkalde ng Kidapawan City na puma – labing anim ito sa mga siyudad sa bansa bilang “most competitive cities.”