Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pagpapatunog ng kampana sa mga simbahan sa Negros, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 2,576 total views

Muling nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng patuloy na pagpapatunog ng kampana sa buong diyosesis gayundin sa mga karatig diyosesis sa probinsya ng Negros Oriental sa gitna ng mga karahasang nagaganap sa lalawigan.

Ayon sa Obispo na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, hindi katanggap-tanggap ang walang tigil na karahasang nagaganap sa Negros Oriental kung saan patuloy na naisasantabi ang dignidad at kasagraduhan ng buhay ng bawat mamamayan.

Inihayag ni Bishop Alminaza na layunin ng patuloy na pagpapatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi na unang ipinanawagan ng mga Obispo ng Negros noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 na maipaabot ang galit at apela ng mamamayan na mawakasan na ang hindi makatao at walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

“As your pastor, I join my voice with those who strongly condemn this total disregard of the primacy and sanctity of human life and with all those who call for swift justice not only for those mercilessly killed… I once more renew the call we, the four Bishops of Negros, declared last July 27, 2019 “to toll the church bells in all parishes, chaplaincies, mission stations, and religious houses every evening at 8 o’clock until the killings stop!”” Ang bahagi ng pahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.

Pagbabahagi ni Bishop Alminaza na sinisimbolo rin ng tunog ng kampana ang panalangin at hinaing ng mamamayan sa Panginoon na pukawin ang puso ng mga kriminal at maging ng mga otoridad upang bigyan ng katarungan ang mga biktima ng mga pagpaslang sa lalawigan.

“As we said once in our collegial statement, “In the stillness of the night, the tolling of the bells signifies our communion as Church. We remember those who have gone ahead of us – including those whose lives have been snatched by these killings… They, who are our brothers and sisters.” Moreover, we toll the church bells to remind each one of us of the value of human life, to express our solidarity with all those who were ophaned and widowed by this senseless violence, “to deliver us from this violence” and “ask God to disturb those who are responsible for this evil, that they may have a change of heart and be renewed”!” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Matatandaang may titulo ang nasabing Pastoral Appeal na ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ kung saan inatasan ng mga Obispo ng Negros ang lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses na magpatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi mula noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 hanggang sa tumigil ang karahasan sa lalawigan.

Kalakip nito ang panawagan ng Simbahan sa lahat ng mga mananampalataya na makibahagi sa panawagan upang mawakasan na ang patuloy na karahasan at serye ng pagpaslang sa lalawigan ng Negros.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 22,119 total views

 22,119 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 30,787 total views

 30,787 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 38,967 total views

 38,967 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 34,799 total views

 34,799 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 46,850 total views

 46,850 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,214 total views

 2,214 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,032 total views

 3,032 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top