206 total views
Nagtipon-tipon ang iba’t-ibang mga Caritas Organization bilang bahagi ng ika-apat na Caritas Country Forum sa Pilipinas.
Sa Pangunguna ng Nassa/Caritas Philippines, dinaluhan ang pagpupulong ng mga kinatawan mula sa Caritas USA o Catholic Relief Services, Caritas Austria, Caritas Canada, Caritas Germany, Caritas Switzerland, Caritas Czech at Caritas Luxembourg.
Layunin ng forum na palakasin ang pinagisang pagkilos ng mga organisasyon ng Simbahan Katolika para sa mga programa na tumutulong sa mga naapektuhan ng kalamidad at mga mahihirap.
Inaasahan na sa pamamagitan ng naturang forum ay mas lalawak pa ang kapasidad at kakayanan ng mga nasabing organisasyon na makatulong sa mga nangangailangan.
Magugunitang unang nasinimulan ang pagtatayo ng organisasyon ng mga Caritas Organization sa pilipinas matapos ang mapaminsalang epekto g Bagyong Yolanda noong Nombyembre ng taong 2013.
Sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagtugon ng mga Caritas Organization ay umabot sa P3.29 Billion pesos ang kabuang halaga ng tulong na naibahagi ng Simbahang katolika sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo.