Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Policy sa pagsasapubliko ng mga religious gatherings, naisumite na ng Simbahan sa DOH

SHARE THE TRUTH

 296 total views

May 11, 2020-2:09pm

Patuloy na isinisulong ng simbahan ang paghiling sa gobyerno sa pagpapahintulot sa religious activities sa mga lugar na isasailalim sa General Community Quarantine.

Ito ang binigyan diin ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kung saan nakipagpulong na rin ang ilang mga opisyal ng simbahan kay Health Secretary Francisco Duque.

“Dito sa Archdiocese of Manila gumawa na kami ng guidelines na kinuha na ng DOH ang sabi namin handa na kami,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Bukod kay Bishop Pabillo, kabilang sa dumalo sa pulong si CBCP president, Davao Archbishop Romulo Valles at Military Bishop Oscar Jaime Florencio.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, naisumite na rin nila sa DOH ang protocol na hininingi ng ahensya na ipatutupad sakaling payagan ng pamahalaan.

Ang ating sinusulong ngayon na hayaan na pagdating ng GCQ na buksan ang religious activities kasi para sa atin ang religious activities ay isa siyang essential service,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Paliwanag pa ng obispo ang pagbubukas ng parokya para sa pampbulikong misa ay hindi nangangahulugan ng malaking pagtitipon dahil ito ay limitado lamang sa bilang ng mga maaring dumalo sa pagdiriwang.

Religious activities not necessarily large gatherings, kasi pede naman nating makontrol,” ayon kay Bishop Pabillo.

Mula sa enhanced community quarantine, ang general community quarantine ay ang mas maluwag na panuntunan kung saan ilang mga trabaho at negosyo na rin ang papayagang magbukas matapos ang dalawang buwang lockdown.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,303 total views

 18,303 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,403 total views

 26,403 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,370 total views

 44,370 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 73,532 total views

 73,532 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 94,109 total views

 94,109 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,880 total views

 11,880 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top