Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Power generation,power transmission at power distribution, pinatutukan kay Digong

SHARE THE TRUTH

 150 total views

Umaasa si Dationg Catholic Bishops Conference of the Philippines President Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na mapapababa ng Duterte administration ang mataas na singil sa kuryente sa bansa.

Inihayag pa ni Archbishop Cruz na dapat pagtuunan ng susunod na pamunuan ang power generation, power transmission at power distribution sa mga negosyanteng humahawak at namamahala sa kuryente sa bansa.

“Ang pinakahihintay ko sana, ewan ko kung mangyayari ay yung power generation. Yung power transmission at power distribution ito ang hinihintay – hintay ko. Ewan ko nag – iisa lang ako dito. Sa buong mundo ang Pilipinas ang pinakamahal ang kuryente, sa buong mundo! Ano kaya ang patakaran ng ating administrasyon sa power generation, power transmission at power distribution,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Binatikos rin nito ang pagiging ganid sa salapi at kita ng halos 50 hanggang 60 porsyento ng electric industry sa bansa ay pagmamay –ari ng mga pribadong kumpanya.

“Lahat yan nasa private hands, private capitals at pumasok pa yung dating aalis na pamunuan na PPP raw public private partnership kasama rin yung mga public hospitals. Ang public funds is for public prefer kaya nagbabayad ang tao ng katakot – takot na buwis para ang gobyerno magamit ang perang yan para sa kabutihan ng mga tao. Ngunit hindi eh gagawing negosyo itong administrasyong darating ewan ko kung saan nakuha yun pero yun ang knyang PPP,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Nauna nang inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ang Pilipinas ay kabilang sa limang bansa na may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo. Ayon kay TUCP, sa kasalukuyan ay naglalaro na sa 10.52 pesos ang presyo ng kada kilo watt hour ng kuryente sa bansa, ika-lima sa pinaka mahal sa mundo.

Matagal na ring ipinapa – alala nga panlipunang turo ng Simabahang Katolika na laging isaalang – alang ang mga mhihirap sa anumang paggalaw ng presyo sa merkado.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,780 total views

 23,780 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 31,880 total views

 31,880 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 49,847 total views

 49,847 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,926 total views

 78,926 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 99,503 total views

 99,503 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 40,992 total views

 40,992 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 39,927 total views

 39,927 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 40,057 total views

 40,057 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 40,036 total views

 40,036 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top