Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PPCRV sa COMELEC, ayusin ang mga safety net sa gagamiting sistema sa halalan

SHARE THE TRUTH

 253 total views

Umaasa ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na sisikaping ayusin at tiyakin ng Commission on Elections ang seguridad sa kabuuang sistema ng kumisyon partikular na sa nalalapit na halalan matapos ang naganap na hacking sa kanilang website.

Inihayag ni PPCRV Chairperson Henrietta de Villa na matapos ang naganap na hacking sa website ng COMELEC ay kinakailangang tiyakin ng kumisyon na mayroong sapat na safety-guards ang mga gagamiting sistema sa halalan upang maibalik ang kumpyansa at tiwala ng taumbayan sa nakatakdang halalan.

“Kailangan magandang pagkakataon din yan na kailangan talaga yung may safeguards ay doblehin natin para wala nang mangyaring ganito lalo na eh katatapos lang nung Bangladesh at saka Federal Bank of New York yung mga ganun, parang lalo tuloy mag-aalala ka, kaya kailangan ang COMELEC mag-double time para maibalik ang kumpyansa ng mga tao sa darating na halalan…”pahayag ni de Villa sa panayam sa Radio Veritas

Linggo ng gabi, ika-27 ng Marso ng ma-hacked ng grupong “Anonymous Philippines” ang opisyal na website ng COMELEC, kung saan tanging makikita ang iniwang mensahe ng grupo kaugnay sa puspusang pagbabantay sa pagtutupad ng COMELEC sa mga safety guards na nasasaad sa batas hinggil sa Automated Elections upang tunay na magkaroon ng tapat na halalan.

Batay nga sa itinakda ng Republic Act (RA) 939 o Automated Election Law nararapat na magkaroon ng safety features ang balota at ang makinaryang gagamitin sa Automated Election partikular na ang ballot verification o ultra violet detectors, source code review, voter verified paper audit trail at digital signature ng sinumang mangangasiwa sa halalan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,759 total views

 70,759 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,754 total views

 102,754 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,546 total views

 147,546 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,517 total views

 170,517 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,915 total views

 185,915 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,485 total views

 9,485 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,205 total views

 60,205 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,796 total views

 37,796 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,735 total views

 44,735 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,190 total views

 54,190 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top