Bilyong pisong pondo para sa Yolanda survivors, huwag gamitin sa pamumulitika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Kinuwestiyon ni NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Edu Gariguez ang pagpapalabas ng Department of Budget and Management o DBM ng P24.7 bilyong pisong pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas sa kalagitnaan ng election period.

Ayon kay Father Gariguez, ito na ang kanilang pinangangambahang hakbang ng gobyerno kung saan ang pondo na para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong taong 2013 ay magamit sa pampulitikal na interes ng mga kandidato ngayong halalan.

Iginiit ni Father Gariguez na dalawang taon nang iniipit ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III ang multi-bilyong pisong pondo para sa recovery and rehabilitation ng mga Yolanda survivors na biglang ini-release ng DBM mahigit isang buwan bago ang pambansang halalan sa ika-9 ng Mayo 2016.

Duda ang pari sa timing ng pagpapalabas ng pondo na magagamit lamang ng mga pulitiko partikular na ng mga kasapi ng administration party.

“Mabuti kasi maraming pera pero iyon ang timing na aming sinasabi.Kailangan ba mag-eleksyon para ilabas ang pera? hindi naman sana ganun, dapat yun kara-karakang tugon ay gawin ng pamahalaan dahil maraming nangangailangan huwag na hintayin ang eleksyon meron naman pala ganun kalaking pera bakit hindi gamitin at tugunan ang pangangailangan ng mga tao. Ang nakakalungkot pa kung magamit ng mga pulitiko itong pondo na nakalaan para sa mga nangangailangan hindi maganda”. dismayadong pahayag ni Father Gariguez sa panayam ng Radio Veritas

Kinondena din ng Pari ang paggamit ng ilang pulitiko sa mga mahihirap at mga naapektuhan ng kalamidad sa kanilang kampanya.

Binigyan diin ni Father Gariguez na hindi magandang sasabihin na nakapa-super hero ng administrasyong Aquino dahil alam ng taumbayan na hindi totoo dahil napakalaki ng pagkukulang ng pamahalaan sa pagtungon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

“Hindi maganda at lalo’t higit kung sasabihin mo pa na napaka super hero ng pamahalaan dahil doon sa ginawa nilang pagsaklolo sa Yolanda na alam naman natin hindi totoo. Malaki ang pagkukulang, yung pera hindi nila agad kara-karakang napondoha. Ang laki ng pagkukulang ng pamahalaan kaya siguro kung aangkinin mo yun napakalaking kabayanihan. Tatawanan tayo magagalit lang ang mga tao. Sabi ko katawa-tawa at hindi dapat gamitin ito sa pamumulitika dahil ang kawawa dito yung mga taong naagrabyado tapos gagamitin mo pa sa pulitika, hindi ito tama. Hindi naman sa pumapanig tayo sa kung sinong kandidato pero dapat ituwid kung ano yun mali huwag natin gamitin yung Yolanda at yun pag-claim sa kabayanihan lalo na’t alam natin na hindi totoo’.pahayag ni Father Gariguez

Naninindigan ang pari na alam ng mga Yolanda survivors na walang ginawa ang pamahalaan para sila ay tulungan na makabangon sa dinanas na trahedya.

Magugunitang Nobyembre ng taong 2013 ng manalasa ang bagyong Yolanda sa Visayas Region kung saan aabot sa mahigit anim na libong tao ang nasawi at mahigit 2.86 na bilyong dolyar na halaga ng pinsala.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 4,033 total reads

 4,033 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 24,565 total reads

 24,565 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 87,702 total reads

 87,702 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 173,069 total reads

 173,069 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 219,805 total reads

 219,805 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 267,679 total reads

 267,679 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 367,299 total reads

 367,299 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,638 total reads

 113,638 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top