Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, DISYEMBRE 19, 2023

SHARE THE TRUTH

 9,488 total views

Ika-19 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a
Salmo 70, 3-4a. 5-6ab. 16-17

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Lucas 1, 5-25

19th of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Hukom

Noong mga araw na iyon, sa bayan ng Zora ay may isang lalaking Manoa ang pangalan, kabilang sa lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi magkaanak. Minsan, napakita sa babae ang anghel ng Panginoon, at sinabi, “Hanggang ngayo’y wala kang anak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at manganganak. Mula ngayon at huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain. Kung maipanganak mo na siya, huwag mong papuputulan ng buhok pagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay itatalaga ng siya sa Diyos. Siya ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.”

Ang babaeng lumapit sa kanyang asawa at kanyang sinabi, “Napakita sa akin ang isang propeta ng Diyos, parang anghel. Kinikilabutan ako! Hindi ko tinanong kung tagasaan siya at hindi naman niya sinabi kung sino siya. Huwag daw akong iinom ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain pagkat ang sanggol na isisilang ko’y itatalaga sa Diyos.”

Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Panginoon. Ang Espiritu ng Panginoon ay lumukob kay Samson.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 70, 3-4a. 5-6ab. 16-17

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,
matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban.

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,
maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;
sa simula at mula pa wala akong inasahang
mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang.

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila,
ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Sanga kang ugat ni Jesse,
taga-akay ng marami,
halina’t tubusin kami.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 5-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na.

Ang pangkat ni Zacariaas ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang sila’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin. Walang anu-ano’y napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang. Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipangangalan mo sa kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang pagsilang sapagkat siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o anumang inuming nakalalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, mapupuspos na siya ng Espiritu Santo. Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niya sa kanilang Panginoong Diyos. Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.”

Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko po matitiyak na mangyayari ito? Sapagkat ako’y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.” Sumagot ang anghel, “Ako si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo. At ngayon, mabibingi ka’t hindi makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko na matutupad pagdating ng takdang panahon.”

Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka sila kung bakit nagtagal siya nang gayon sa loob ng templo. Paglabas niya ay hindi na siya makapagsalita, mga senyas na lamang ang ginagamit niya; kaya natanto nila na nakakita siya ng pangitain. At siya’y nanatiling pipi.

Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan. “Ngayo’y nilingap ako ng Panginoon,” wika ni Elisabet. “Ginawa niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikaapat na Araw

Dahil pinagtibay ng Panginoon ang kagustuhan nating gumawa nang tama at mabuti, tayo’y dumulog ngayon at humiling sa kanya ng patnubay at gabay:

Panginoon, nananalig kami sa Iyo!

Para sa lahat ng nananampalataya sa buong mundo: Nawa’y tanggapin nila ang Salita ng Diyos at buong pagpapakumbabang isabuhay ito. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng ibang pinunong relihiyoso at sibil: Nawa’y maging inspirasyon sa lahat ang kanilang halimbawa ng katapatan at bukas-palad na paglilingkod sa kanilang nasasakupan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng magulang, guro, at katekista: Nawa’y makita nila sa lahat ng bata ang mahahalagang biyaya ng Diyos at palakihin at patnubayan sila alinsunod sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga matatanda sa ating pamayanan: Nawa’y patuloy silang maghandog ng katalinuhan at panalangin at kailanman ay di mag-alinlangan sa natatanging pagmamahal sa kanila ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-asawang walang anak: Nawa’y isaalang-alang nila ang pangangailangan ng libu-libong mga sanggol na tinatanggihan ng kanilang mga magulang. Manalangin tayo!

Para sa mga may kapansanan pisikal o emosyonal, maging tampulan nawa sila ng atensyon at kalinga ng lipunan, manalangin tayo.

Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso sa pagtanggap sa Iyong Salita nang buong pananalig, bukas-palad, at naniniwalang hangad Mo ang aming kabutihan at walang imposible sa Iyo. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,723 total views

 88,723 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,498 total views

 96,498 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,678 total views

 104,678 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,175 total views

 120,175 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,118 total views

 124,118 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Martes, Abril 22, 2025

 194 total views

 194 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 595 total views

 595 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 1,497 total views

 1,497 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 1,795 total views

 1,795 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 2,085 total views

 2,085 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 2,327 total views

 2,327 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 2,715 total views

 2,715 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 2,746 total views

 2,746 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,971 total views

 2,971 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 3,210 total views

 3,210 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 3,741 total views

 3,741 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 3,799 total views

 3,799 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 4,027 total views

 4,027 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 4,177 total views

 4,177 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 4,549 total views

 4,549 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »
Scroll to Top