Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Religious activities sa Diocese of Pasig, sinuspendi

SHARE THE TRUTH

 433 total views

Sinuspendi na ng Diocese of Pasig ang lahat ng mga misa at iba pang religious activities sa diyosesis ngayong araw bilang pag-iingat mula sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, ang hakbang ay upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga lingkod ng Simbahan kabilang na ang mga Pari, relihiyoso, relihiyosa at mga layko.

“Natapos lang yung mga misa sa umaga pero nung bandang tanghalian, nagbigay na ako ng directives sa lahat ng parokya to the parish priest na kanselado na lahat ang mga misa sa parokya para maging safe yung ating mga pari, religious at yung ating mga layko, parishioners natin, kinansel muna po natin ito para maging ligtas po tayo…” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo, nakikipag-ugnayan na rin ang Caritas Pasig sa Caritas Manila kaugnay sa posibleng pagbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Rolly.

“May mga networks naman yung Caritas Pasig at yung Caritas Manila so sigurado ako nakikipag-ugnay na yung aking mga pari at mga layko yung mga in-charge para sa mga relief operation, katatapos lamang nung mga meeting nila recently so I could just think na yung mga risks disaster preparation and yung mga magaganap na kalamidad ay matutugunan…” pagbabahagi ni Bishop Vergara.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,189 total views

 40,189 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,277 total views

 56,277 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,757 total views

 93,757 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,708 total views

 104,708 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 17,748 total views

 17,748 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top