Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan,nagpaabot ng pakikiramay sa Canadian government.

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Nakikidalamhati ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau dahil sa masaklap na sinapit nang dalawa nilang kababayan sa kamay ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos,ang ginawang pagpugot ay hindi sumasalamin sa tunay na mukha ng ugali ng mga Pilipino kundi isang udyok lamang ng maling ideyolohiya o paniniwala.

Umaasa naman si Bishop Santos na ang pagkakaibigan ng bansa sa Canada ay mapapanatili at mapapatatag pa sa gitna ng pagpaslang kina John Ridsdel at Robert Hall.

“Tayo ay nakikiramay sa bansang Canada at para sa atin hindi ito ang larawan ng tunay na mukha ng Pilipino at hindi ito ang larawan ng Pilipinas. Tayo ay umaasa at ang ating pag – asa na yung ating pakikipag – kaibigan sa bansang Canada ay higit pang maging matatag at hindi mawawala, hindi mababawasan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nagpa – abot naman ng panalangin si Bishop Santos sa mga kaanak ni Hall na magkaroon ng katatagan sa gitna ng kawalan ng isang miyembro ng kanilang pamilya.

“Panalangin natin sa mga naiwan na magkaroon ng katatagan ng kalooban higit na manalig sa Diyos at panalangin sa kaluluwa ni Robert Hall na siya ay makapasok sa kaharian ng Diyos at kanyang makamit ang buhay na walang hanggan at gantimpala ng Diyos,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nabatid na ang mga Pilipino ang pinakamaraming migrante sa bansang Canada na mayroon nang mahigit 700 libong populasyon na naninirahan at nagta – trabaho roon.

Nauna na ring nanindigan ang Simabahan na suportado nito ang “no ransom policy” na kapag nagbayad ng ransom ay lalo lamang dadami ang makikilahok sa ganitong aktibidad habang kung walang ransom, ang maiiwan lamang ay ang core group ng mga terorista.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 6,405 total views

 6,405 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 21,116 total views

 21,116 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 33,974 total views

 33,974 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 108,256 total views

 108,256 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 163,910 total views

 163,910 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 94,139 total views

 94,139 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 119,953 total views

 119,953 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 152,837 total views

 152,837 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567