Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Special collection sa national catechetical month, isasagawa ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 14,984 total views

Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na suportahan ang evangelization program ng simbahan lalo ngayong Setyembre sa pagdiriwang ng National Catechetical Month.

Sa sirkular na inilabas ng arkidiyosesis, magkaroon ng special collection ang lahat ng parokya sa September 15 para sa mga programa ng Episcopal Commission on Evangelization ang Catechesis ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

“A special collection is stipulated in the calendar of the Church in the Philippines…This will go a long way in supporting the episcopal commission’s programs and activities on evangelization and catechesis,” ayon sa liham sirkular.

Tema sa pagdiriwang ng National Catechetical Month ngayong taon ang ‘Praying Catechists: Pilgrims of Hope in Synodality towards the Implementation of Antiquum Ministerium.’

Inilaan ng simbahan sa Pilipinas ang buwan ng Setyembre para sa mga katekista bilang paggunita kay San Lorenzo Ruiz sa September 28, ang kauna-unahang santong Pilipino at itinuturing na pintakasi ng mga katekista dahil pinaslang ito sa Japan dahil sa paninindigan sa pananampalatayang katoliko.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga katekista dahil sa pangunguna sa paghuhubog ng pananampalataya ng mamamayan na maituturing na natatanging gawain ng pagmmisyon at ebanghelisasyon.

Sa datos na ibinahagi ng National Catechetical Studies nasa 50, 000 ang bilang ng mga katekista sa buong bansa na katuwang ng simbahan sa paghuhubog at pagtuturo ng pananampalatayang katoliko sa mahigit 80-milyong binyagang Pilipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Behind Closed Doors

 5,693 total views

 5,693 total views “Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control

Read More »

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 21,320 total views

 21,320 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 33,640 total views

 33,640 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 86,352 total views

 86,352 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Integridad ng ICI, pinuna ng CBCP

 2,036 total views

 2,036 total views Pinuna ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang integridad ng Independent Commission on Infrastructure  o ICI matapos ang hindi

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top