Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taguig City, magbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral ng bagong nasasakupang barangay

SHARE THE TRUTH

 6,473 total views

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Taguig na kabilang ang mga mag-aaral mula sa 10 Embo barangays sa mga benepisyaryo ng scholarship ng lungsod.

Ito ay ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program kung saan nakatatanggap ang mga mag-aaral ng P15,000 hanggang P50,000 kada taon.

Ang programa ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ay para sa mga high school graduates na nais na mag-aaral sa kolehiyo.

“The city will be offering scholarships not only to Senior High School graduates but to all qualified residents of the city’s 10 new barangays.” ayon pa sa alkalde.

Tiniyak naman ni Cayetano na handa na ang 14 na paaralan ng Embo sa pagbubukas ng klase sa August 29.

Pinangunahan din ng alkalde ang pamamahagi ng school package para sa mga mag-aaral kabilang na ang bag, daily at PE uniforms, medyas, black shoes, rubber shoes at kumpletong set ng basic school supplies.

Ang school package ay para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula sa kinder hanggang sa high school.

“More than the material things na itu-turn over, ang presence po natin ngayon ay testament sa kahandaan nating lahat to really support our learners, to really support their dreams and aspirations in life, and to do our best to show them that we are ready to cooperate. Handa tayong magkaisa kapag ang pinag-usapan ay ang kanilang future.” ayon pa kay Mayor Cayetano.

Ang Embo ay ang mga barangay na dating pinangangasiwaan ng lunsod ng Makati na sa kasalukuyan ay nasasakop na ng Taguig sa bisa ng kautusan ng Korte Suprema.

Ang “Enlisted Mens Barangay ay kinabibilangan ng Cembo, Comembo, Pembo,East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside at Rizal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,854 total views

 6,854 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,954 total views

 14,954 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,921 total views

 32,921 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,277 total views

 62,277 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,854 total views

 82,854 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,560 total views

 11,560 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top