18,071 total views
Nanawagan si Lipa Archbishop Gilbert Garcera na tulungan at unawain ang mga taong may same-sex attraction sa pamamagitan ng mahabagin at maunawaing paggabay ng Simbahan.
Ayon kay Archbishop Gilbert Garcera, tungkulin ng Simbahan na yakapin ang lahat nang may paggalang at malasakit, anuman ang kanilang kalagayan o pagkakiling.
Binigyang-diin niya na ang bawat tao ay may likas na dangal na kaloob ng Diyos, at hindi kailanman dapat makaranas ng pang-aapi, panlalait, o hindi makatarungang pakikitungo.
“Persons with same-sex attraction are not outsiders. They are welcome in our parishes and communities. They are encouraged to participate actively in the life of the Church, to share their gifts in ministry, and to grow in holiness according to God’s call. As St. Paul reminds us, “There are varieties of gifts, but the same Spirit” (1 Cor 12:4),” ayon sa Pastoral letter ni Archbishop Garcera na may petsang September 28.
Hinimok niya ang mga pari, relihiyoso, at mga lider-layko na samahan ang ating mga kapatid na naaakit sa kapwa kasarian sa kanilang paglalakbay ng pananampalataya — tulungan silang mapalapit kay Kristo, mamuhay nang may kabanalan, at gawing bukas, at mapagmahal na pamayanan ang bawat parokya.
Muling iginiit ni Archbishop Garcera-incoming President ng Catholic Bishops Conference of the Philippies (CBCP), na ang kasal ay banal na tipan ng lalaki at babae, at ang pagsasama ng parehong kasarian ay hindi katumbas ng Kristiyanong kasal.
Ayon pa sa liham ng arsobispo, “Thus, the Church continues to uphold and proclaim her teaching that marriage is a sacred covenant between one man and one woman, ordered toward the good of the spouses and the gift of children. In fidelity to Christ, the Church cannot allow same-sex marriage nor recognize same-sex unions as marriage. Yet, this truth must never become a reason for exclusion or hostility. Instead, it calls us to a deeper commitment to love: “By this all people will know that you are my disciples, if you have love for one another” (Jn 13:35).”
Gayunman, iginiit din ng arsobispo na ang katotohanang ito ay hindi dapat maging dahilan ng pagkakahiwalay o pagtataboy, kundi paanyaya sa mas malalim na pag-ibig, paggalang, at pakikipagkapwa.
Hinikayat ng Arsobispo ang mga mananampalataya na gawing salamin ng maawain at mapagkalingang pag-ibig ni Kristo ang bawat parokya, lalo na ngayong Jubilee Year at sa pagpapatuloy ng diwa ng sinodidad sa Simbahan.




