Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Unti-unting pagbabalik sa normal

SHARE THE TRUTH

 567 total views

Mga Kapanalig, pag-asa ang dulot sa atin ng mga balitang bumababa na ang mga kaso ng COVID-19, habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan na. Kamakailan lang ay inuumpisahan na rin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 12 hanggang 17. Dahil dito, muli nang nakakapamasyal ang mga bata, mas maluwag na ang mga restrictions, at ang pinakaimportante, matapos ang mahigit isang taong pakikipagbuno sa pandemya, muling bubuksan ang ilang eskwelahan sa pilíng mga lugar sa bansa. Noong nakaraang linggo, isandaang pampublikong paaralan mula sa low-risk areas ang kabilang sa pilot run ng limitadong face-to-face classes, at 20 pribadong paaralan naman ang magbubukas simula ngayong Lunes. Malaki at mahalagang hakbang ito upang mapabuti ang sitwasyon ng mga bata sa gitna ng pandemya, ngunit ibayong pag-iingat at paghahanda pa rin ang kailangang tiyakin.

Bago nagsimula ang pilot run ng face-to-face classes sa ating bansa, isa ang Pilipinas sa dalawang bansang kulelat sa pagbubukas ng mga paaralan simula nang inanunsyong may pandemya noong Marso 2020. Ayon pa naman sa mga pag-aaral, critical development stages o pinakamahalagang yugto ng pag-unlad ng mga bata ang mga unang taon sa elementarya. Sa paaralan sila natututong magbasa, magsulat, at magbilang. Doon din sila mag-uumpisang makihalubilo sa kapwa mag-aaral at mga guro. Nagbibigay-daan din ang pagpasok nila sa paaralan upang matukoy at matugunan ng mga guro ang anumang learning delays, problema sa kalusugan ng isip, at pang-aabuso sa bahay na negatibong makaaapekto sa kapakanan ng mga bata. Bagamat naitawid at naituloy pa rin ng ilang mga bata ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng distance learning o online classes, hindi matatawaran ang mga positibong karanasang makukuha nila sa loob ng eskwelahan.

Sa unti-unting pagbubukas ng mga paaralan, mahalagang tutukan ng mga kinauukalan ang magagandang gawî at mga dapat iwasan at tugunan ng pamahalaan, lalo na ng DepEd. Sa ilang mga paaralan, tila hindi nakatulong ang paglalagay ng mga plastic barriers upang makita at marinig nang maayos ng mga bata ang itinuturo ng guro. Nilinaw na ng Department of Health (o DOH), sapat na ang pagsunod sa physical distancing, maayos na bentilasyon, paghuhugas ng mga kamay, at pagsusuot ng mask. Dahil din sa isang insidenteng umani ng batikos kung saan may mga armadong sundalo sa isang paaralan noong unang araw ng pilot face-to-face, mariing pinaalalahanan ng DepEd ang mga paaralan na maging zones of peace o lugar ng kapayapaan. Mahalagang ramdam ng mga batang mag-aaral at mga guro ang kaligtasan sa loob ng eskwelahan sa lahat ng oras at pagkakataon. Higit sa lahat, kasabay din ng pagbubukas ng mga eskwelahan ay ang pagtitiyak na lahat ng guro at iba pang non-teaching personnel ay nabakunahan na. Kung magagawa ang mga ito at maiiwasan ang hindi magandang gawî mas mapapanatag ang mga magulang at mga bata ngayong panahon ng pagbabalik nila sa paaralan.

Mga Kapanalig, sa anumang pagkakataon, hangad ng Simbahang Katolika ang pangkahalatang kapakanan at kaunlaran ng lahat ng tao, lalo na ng mga bata. Nangangahulugan itong dapat nakakamit nila ang mga serbisyong para sa kanilang kalusugan, maayos na tirahan, at, higit sa lahat, edukasyon. Sa pamamagitan ng edukasyon, nalalaman ng mga mga bata ang halaga ng kanilang dignidad. Nagbibigay-daan din ang edukasyon sa pagkakaroon nila ng sapat na akses sa lahat ng kanilang pangangailangan. Mangyayari lamang ito kung ang komunidad ay kumikilos at gumagawa ng mga makabuluhang hakbang katulad ng pagpapanatili ng kaligtasan sa mga paaralan. Pahalagahan natin ang mga bata gaya ng pagpapahalaga ni Hesus sa kanila. Gaya nga ng sinabi Niya sa Mateo 19:14, “hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata… dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Diyos.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,179 total views

 46,179 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,174 total views

 78,174 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,966 total views

 122,966 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,146 total views

 146,146 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,545 total views

 161,545 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,180 total views

 46,180 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,175 total views

 78,175 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,967 total views

 122,967 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,147 total views

 146,147 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,546 total views

 161,546 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 133,830 total views

 133,830 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 144,254 total views

 144,254 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 154,893 total views

 154,893 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 91,432 total views

 91,432 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 89,722 total views

 89,722 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top