Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Voter’s education module, ilulunsad ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

 1,798 total views

Nakatakdang maglunsad ng voters education module ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang bahagi ng mandato nito na gabayan ang mamamayan sa matalinong pagboto tuwing halalan.

Ayon kay PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano, layunin ng paglulunsad ng voter’s education module ng PPCRV na ipabatid sa lahat lalo’t higit sa mga volunteers ng organisasyon ang mga patuloy na hakbang na ginagawa ng pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa.

“Gusto lang naman na informed lang yung mga volunteers na meron ng ginagawa yung national na mga magiging mukha ng bagong voters education module…” Ang bahagi ng pahayag ni Serrano.

Ipinaliwanag ni Serrano na layunin ng nasabing voters education module na makapagbahagi ng mga kaalaman sa naaangkop at matalinong pakikibahagi ng bawat isa sa halalan hindi nalalapit na halalang pambarangay kundi maging sa 2025 Mid-term elections at 2028 National and Local Elections.

Pagbabahagi ni Serrano, matapos ang nakatakdang paglulunsad ng nasabing voters education module ay magsasagawa naman ang PPCRV ng mga serye ng trainors training sa buwan ng Setyembre upang ganap na maibahagi sa mga volunteers ang mga kaalaman at kasanayan na dapat taglayin ng bawat isa sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

“Yung parang laman niya possibly ibibigay yung gist ng bawat isa, anim kasi yung ipipresent na module tapos parang lalagyan lang siya ng konting mukha kasi after launching ang mangyayari magsi-set-up kami sa September ng trainors training…” Dagdag pa ni Serrano.

Iginiit ni Serrano na layunin rin ng voters education module na magsilbing gabay sa paghuhubog ng mga kabataang makabayan at mulat sa kahalagahan ng demokrasya at halalan sa bansa.

Nakatakda ng paglulunsad ng PPCRV sa voters education module sa ika-5 ng Agosto, 2023 ganap na ala-una ng hapon sa Pope Pius the 12th Catholic Center, Manila kung saan inaasahan ang pagdalo ng ilang mga volunteers ng PPCRV mula sa iba’t ibang diyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,534 total views

 18,534 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 27,202 total views

 27,202 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 35,382 total views

 35,382 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 31,321 total views

 31,321 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 43,372 total views

 43,372 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,911 total views

 1,911 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,730 total views

 2,730 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top