Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wakasan na ang religious persecution sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Nagpaabot ng panalangin at pakikiisa si Diocese of San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa paghahanap ng katarungan sa pagpatay kay Rev. Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese of Tuguegarao matapos ang kanyang misa sa Brgy. Peña Weste, Gattaran Cagayan.

Inihayag ni Bishop Mallari, kaisa at buo ang suporta ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at ng Diocese of San Jose Nueva Ecija sa paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ni Fr. Ventura.

Ayon kay Bishop Mallari, tulad ng mithiin ng Diocese of San Jose na mabigyang katarungan ang marahas na pagpatay kay Fr. Marcelito Paez na binaril rin ng hindi pa nakikilalang salarin noong nakalipas na taon ay gayundin ang kanilang panalangin sa sinapit ni Fr. Ventura.

Dahil dito, muling nanawagan si Bishop Mallari hindi lamang sa Philippine National Police kundi sa mamamayan na magtulong-tulong upang mabigyang katarungan ang brutal na pagkamatay ng dalawang Pari.

“Kaisa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at gayundin po yung diocese namin, kung papaano kami naghahanap ng hustisya para kay Fr. Tito ganundin yung minimithi natin dito sa pangyayari kay Fr. Mark Ventura sana po yung mga kinauukulan, yung lahat po ng puwedeng magkasama-sama para magtulong-tulong para po makita natin yung hustisya para kay Father Mark, napakahalaga po na sa mga sitwasyon na ganito ay lalo tayong nagkakaisa at nagtutulungan…” pahayag ni Bishop Mallari sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag rin ni Bishop Mallari ang lubos na pagkadismaya sa kawalan na ng takot sa Panginoon ng mga salarin na pumatay kay Fr. Ventura na sa harap ng mga taong nakibahagi sa kanyang pinangunahang banal na misa.

“Nakalulungkot talaga ng husto kasi yun nga parang wala ng takot sa Diyos at saka hindi inalintana yung mga taong nandun sa paligid…” saad ni Bishop Mallari.

Kaugnay nito, naunang inilunsad ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija kaisa ang ilang Human Rights group noong ika-9 ng Abril ang “Justice for Father Marcelito Paez Movement” upang isulong ang katarungan sa pagkamatay ni Fr. Marcelito Paez at mawakasan na ang anumang uri ng karahasan dulot ng politikal at religious persecution.

Sa tala ng ecumenical lay group na Promotion of Church People’s Response mula noong taong 2000 ay nasa 30 church workers na ang napaslang sa buong bansa.

Sa tala naman ng Pontifical Institute for Foreign Missions (PIME) mula Marcos hanggang PNoy Administration ay 13-Pari na ang napaslang sa buong bansa bukod pa dito pagkakapaslang kina Fr Fausto Tentorio noong 2011; Father Marcelito Paez noong Disyembre ng nakalipas na taong 2017 at ang pinakahuling biktima ay Fr. Ventura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 8,104 total views

 8,104 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 28,832 total views

 28,832 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 37,147 total views

 37,147 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 55,773 total views

 55,773 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 71,924 total views

 71,924 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 7,199 total views

 7,199 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 31,977 total views

 31,977 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 32,661 total views

 32,661 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top