Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang Pinoy na nadamay sa Belgium bombing – DFA

SHARE THE TRUTH

 289 total views

Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nadamay na Pilipino sa naganap na dalawang pagsabog sa Brussels aiport sa bansang Belgium.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Charles Jose, patuloy pa rin nilang pinapa-alalahanan ang mga overseas Filipino workers roon na siguruhin ang kanilang kaligtasan sa patuloy na pakikipag – ugnayan sa mga malalapit na embahada at konsulado roon sa patuloy na banta ng mga terorista sa Europa.

Pinaalalahanan rin nito ang mga O-F-W na maging mapagmatiyag at iwasan ang pagpunta sa mga matataong lugar upang maiwasan ang peligrong dulot ng mga pagsabog.

“Kinumpirma po sa atin ng Brussels na wala naman pong Pilipino na napabiliang sa casualty either injured o namatay po gawa po ng mga pagsabog na nangyari sa Brussels. Para sa ating mga kababayang overseas ay makipag – ugnayan sa mga pinaka – malalapit na embahada o konsulado kung mayroon po silang mga security concerns,” bahagi ng pahayag ni Jose sa Radyo Veritas.

Giit pa ni Jose mas lalo na ring pinaigting ang seguridad ng mga paliparan at pantalan sa bansa lalo na ngayong Semana Santa dahil marami sa mga kababayan natin ang uuwi sa kani – kanilang probinsya.

“Well ang atin pong mga law enforcement agencies,mga security agencies I think ay nagpapatupad po ng mga measures upang paigtingin po ang security and safety ng atin pong mga kababayan sa mga paliparan sa mga seaport lalo na ngayong panahon ng Semana Santa na marami pong mga kababayan natin ang magbabiyahe ang uuwi po sa kani – kanilang mga probinsya,” giit pa ni Jose sa Veritas Patrol.

Tinukoy na ng mga kapulisan sa Belgium na umabot na sa 34 ang nasawi sa naturang pagsabog at 170 naman ang sugatan.

Pinahigpit na rin ang seguridad sa Vatican upang masiguro rin ang kaligtasan ng mga pilgrims doon an darayo sa misa ng Santo Papa.

Nauna na ring nagpa–abot ng pakikiramay ang kanyang kabanalan Francisco sa mga kaanak ng mga nasawi sa Belgium at hinimok ang mga mananampalataya na mag – alay ng panalangin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 80,183 total views

 80,183 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 101,959 total views

 101,959 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 125,860 total views

 125,860 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 233,298 total views

 233,298 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 256,981 total views

 256,981 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 145,207 total views

 145,207 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 251,474 total views

 251,474 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 277,288 total views

 277,288 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 282,073 total views

 282,073 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top