Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

3 police na pumatay kay Kian, kinasuhan ng murder

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Pinaslang nang malapitan ang 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.

Ito ang inihayag ni Atty. Persida Acosta, chief ng Public Attorney’s Office matapos ang tatlong oras na forensic examination sa bangkay ng biktima.

Si Delos Santos ay kabilang sa mga pinaslang sa isinasagawang war on drugs ng Duterte administration na sa kasalukuyan ay umaabot na sa higit 13 libo katao.

Paliwanag ni Acosta, nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima na matatagpuan sa ulo, sa loob ng tenga at sa likurang bahagi ng kaniyang katawan.

“Nakapanlulumo po ito, fatal po ito, at hindi ka mabubuhay sa mga tama na ito. Wala po akong makitang traces nang panlalaban, ang traces po ay intentional killing po ito,” ayon kay Acosta sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Una na ring inihayag na Acosta na murder ang kaso na isasampa sa tatlong pulis na sinasabing pumaslang kay Delos Santos base na rin sa nakalap na ebidensya at CCTV footage.

Tiniyak naman ni Acosta na hindi state sponsored ang extra judicial killings at tiniyak na mananagot ang mga pulis na iniuugnay sa pagpaslang.

Una na ring nagpalabas ng pahayag sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, habang nanawagan na rin ng pagpapatunog ng kampana si CBCP President Archbishop Socrates Villegas para gisingin ang konsensya ng mamamayan sa nagaganap na pagpaslang at pananahimik sa kabila ng mga pagpaslang.

Read:
Reflect, Pray and Act
ANG KAMPANA NG KONSENSIYA!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,587 total views

 14,587 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,687 total views

 22,687 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,654 total views

 40,654 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,899 total views

 69,899 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,476 total views

 90,476 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 15,201 total views

 15,201 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 15,009 total views

 15,009 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top