Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buksan ang puso at isipan sa Panginoon-mensahe ng CBCP-ECSC sa ika-57 World Day of Social Communications

SHARE THE TRUTH

 1,865 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na buksan ang puso at isipan sa Panginoon upang maibahagi ang mabuting balita sa pamayanan.

Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Social Communications Chairman, Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa pagdiriwang ng ika-57 World Day of Social Communications sa May 21.

Ayon sa obispo bilang binyagang kristiyano ay tungkulin ng bawat isa na ipahayag at ipakilala si Hesus sa lahat ng dako lalo na sa mga taong walang pananampalataya.

“We are purveyors of the message of God, we are the preachers of good news. So sana po on World Communications day, one, you open yourself to the spirit of God; two, you begin to preach the good news of God,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Speaking with the Heart’ na hango sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Efeso kung saan kinakailangang mangusap ang mga mnisyonero mula sa puso upang tumimo sa pamayanan ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa sanlibutan.

Batid ni Bishop Maralit na malaking hamon ang kinakaharap ng lipunan sa larangan ng komunikasyon kaya’t nararapat na paigtingin ang misyon ng simbahan na dalhin si Kristo sa pagbabahagi ng mensahe sa kapwa.

“If we look deeply into what we have now, the world is so divided, communication has lost heart, it has lost faith, kaya itong ginagawa natin sa social communications ministry is an act of evangelization talaga, bringing God back to communication,” giit ng obispo.

Apela ni Bishop Maralit sa mananampalataya na maging mapagmatyag sa pagbabahagi ng anumang uri ng impormasyon sa social media at isaisip kung ito ay naaayon sa misyon ni Hesus na ipalaganap ang katotohanan.

Sinabi ng opisyal na gamitin sa mabuting paraan ang mga platform upang matiyak na naibahagi sa lipunan ang mabuting balita.

“Use whatever is now present sa atin na means of communications for good and I believe that is what the intentions of the World Communications Day is, for all of us Catholics and believers that we are all called to preach the good news of God,” dagdag ni Bishop Maralit.

Sa mensahe ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ngayong taon hamon nito sa mananampalataya na pakinggan ang bawat kasapi ng komunidad sapagkat sa pamamagitan ng komunikasyon ay naisasabuhay ang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 9,118 total views

 9,118 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 34,718 total views

 34,718 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 45,850 total views

 45,850 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 81,932 total views

 81,932 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 3,301 total views

 3,301 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567