Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na paigtingin ang pagrorosaryo

SHARE THE TRUTH

 1,892 total views

Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na paigtingin ang pananalangin ng Santo Rosaryo.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Divine Grace Parish sa Cebu, iginiit ng arsobispo na isang magandang uri ng panalangin ng Santo Rosaryo sapagkat nilalaman nito ang pagninilay sa buhay ni Hesukristo.

Sinabi ni Archbishop Palma na ang pagdarasal nito ay makatutulong makamit ng lipunan ang pagbubuklod ng mamamayan.

“The Rosary is a powerful instrument to combat evil and to attain grasya ug kalinaw sa kalibutan [kapayapaan ng sanlibutan].” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Matatandaang sa pagpakita ng Mahal na Birhen sa tatlong bata sa Fatima noong July 13, 1917 hiniling nito ang araw-araw na pananalangin ng Santo Rosaryo upang makamtan ang kapayapaan sa buong daigdig.

Bukod pa rito ang kahilingang pagdedebosyon sa Kalinislinisang puso ni Maria, First Saturday devotions kasama na ang pagtanggap sa sakramento ng pagbabalik loob at pagtanggap ng Banal na Komunyon.

Hiling din ng Mahal na Birhen ang pagbabayad puri at mga sakripisyo tulad ng pagsunod sa mga utos ng Panginoon gayundin ang pag-alay ng panalangin sa mga namayapa sa katubusan ng kanilang kasalanan.

Sa nagdaang pandemya pinasimulan ng Santo Papa Francisco ang ‘Healing Rosary for the World’ para sa kaligtasan at paghilom ng mundo sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa Pilipinas ipinagpatuloy pa rin ang pagdarasal nito tuwing Miyerkules sa alas nuwebe ng gabi kung saan bukod sa paghilom ay dalangin din ang pagwawakas sa mga digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,383 total views

 24,383 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,051 total views

 33,051 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 41,231 total views

 41,231 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,979 total views

 36,979 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,029 total views

 49,029 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,529 total views

 6,529 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,136 total views

 12,136 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,291 total views

 17,291 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top