Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAG-IBIG, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon

SHARE THE TRUTH

 20,656 total views

Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit apat na bilyon kumpara sa nakalipas na taon.

Iginiit ng opisyal na ito ang pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan kung saan naitala sa 92.53 percent ang performing loans ratio na kapakipakinabang sa bawat miyembro.

“Strong collections not only reinforce Pag-IBIG Fund’s financial sustainability, but also benefits our members because the amount we collect are then ploughed back to our housing portfolio so that more members can avail of our home loans.” bahagi ng pahayag ni Acuzar.

Pinasalamatan ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang mga miyembro ng ahensya na nagsusumikap na mabayaran sa takdang panahon ang mga home loan at iba pang loan programs.

Tiniyak ni Acosta ang patuloy na pagpapaigting sa loan programs upang matulungan ang mga Pilipino sa kanilang pangunahing pangangailangan.
“Our strong collections and PLR would allow us to not only address the loan needs of our members, but also to keep our interest rates low despite the prevailing market conditions,” ani Acosta.

Binigyang diin ng mga pinuno ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na paglilingkod sa 15 milyong kasapi ng institusyon alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na ang pagpapatupad sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino or 4PH Program upang tugunan ang backlog sa housing project ng pamahalaan.

“Their on-time payments are clearly reflective of their trust in us as we continue to provide relevant programs and services to respond to their needs.” giit ni Acosta.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 20,187 total views

 20,187 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 28,855 total views

 28,855 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 37,035 total views

 37,035 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 32,933 total views

 32,933 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 44,984 total views

 44,984 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,115 total views

 6,115 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,722 total views

 11,722 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,877 total views

 16,877 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top