Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinamong ipagpatuloy ang misyon sa simbahan

SHARE THE TRUTH

 2,272 total views

Hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinala Advincula ang mga Palawenyo na ipagpatuloy ang misyon sa simbahan bilang pagkilala at pasalamat sa Diyos sa biyaya ng kristiyanismo.

Sa mensahe ng arsobispo sa Misa Pasasalamat sa pagtapos ng 400 Years of Christianity celebration ng Palawan binogyang diin ng cardinal na ganap maipakikita sa Panginoon ang kagalakan at pasasalamat sa pagsisikap ma higit maibahagi sa pamayanan ang diwa ng kristiyanismo.

“Ang pangunahin nating misyon ay pangalagaan, palalimin at ibahagi ang pananampalatayang ating tinanggap,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Ayon sa opisyal mahalagang ipagpasalamat sa Panginoon ang biyaya ng kristiyanismo lalo’t makalipas ang 400 taon at patuloy itong lumago at namunga sa buong isla.

Apela ni Cardinal Advincula sa mamamayan lalo na sa mga magulang na paigtingin ang paghubog sa mga kabataan dahil ito ang inaasahang magpaunlad sa pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.

“Mga magulang kayo ang unang katekista sa inyong mga anak, kayo ang unang misyonero at misyonera sa inyong mga tahanan sana sa inyong tahanan ipinapasa na ang pananampalataya ipakilala natin sa ating mga anak ang Diyos,” giit ng cardinal.

Lubos naman ang pasasalamat ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona sa mga Palawenyong nagbuklod sa natatanging pagdiriwang sa Quadricentennial Anniversary ng kristiyanismo sa isla.

Kinilala ng pastol ang pagsusumikap ng bawat isa upang mapahalagahan ang pananampalatayang ipinamana ng mga ninuno lalo na ng mga Agustinong Recolleto na unang nagdala nito sa Cuyo Island noong 1622.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nakiisa at tumulong na maisakatuparan ang isang taong pagdiriwang ng pasasalamat sa gift of faith sa Palawan. The challenge now is to spread more the faith lalo na sa peripheries,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Ginanap ang closing mass sa RVM Sports Complex sa Puerto Princesa kung saan bukod kay Bishop Mesiona katuwang din ni Cardinal Advincula sa misa sina Bishop Broderick Pabillo at Bishop Edgardo Juanich.

Mula sa iilang kataong nabinyagan sa Cuyo Island apat na sentenaryo ang nakalilipas umabot na sa humigit kumulang isang milyon ang mananampalataya sa isla ng Palawan na binubuo ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at Taytay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 17,678 total views

 17,678 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 26,346 total views

 26,346 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 34,526 total views

 34,526 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 30,491 total views

 30,491 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 42,542 total views

 42,542 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,879 total views

 5,879 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,486 total views

 11,486 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,641 total views

 16,641 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top