Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CARES, kalasag sa demonic possession

SHARE THE TRUTH

 3,299 total views

Pinaalalahanan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang bawat mananampalataya sa mga nararapat gawin upang maiwasan ang demonic possession.

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng CARES o Confession, Adoration, Rosary, Eucharist, at Sacramentals ay mapapanatili ng tao ang presensya ni Hesus sa sarili na mabisang kalasag laban sa masasamang espiritu.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal ay mapagkumbabang inihahayag ng tao ang pagbabalik loob sa Diyos at pagsisi sa mga nagawang kasalanan.

Binigyang diin ni Bishop Uy na mahalaga rin ang pagsamba sa Diyos at pagtanggap ng eukaristiya na magbibigay ng kalakasan at mananahan sa tao.
Inihayag ng punong pastol ng Tagbilaran na dapat makaugalian din ng tao ang pagdarasal ng santo rosaryo sapagkat ito ay isang paraan ng pagsunod sa daang tinatahak ni Kristo, pagnilayan ang kanyang buhay sa tulong at gabay ng Mahal na Birheng Maria.

Gayundin ang pagtataglay ng sacramentals sa bawat tahanan tulad ng crucifix, medal ng Birheng Maria, rosaryo, holy water, blessed salt at iba pa.
Kamakailan ay mahigit sa 200 estudyante sa San Jose National High School sa Talibon Bohol ang hinimatay habang nagdiwang ng Banal na Misa na sinasabi ng medical experts na kaso ng mass hysteria dahil sa mainit na panahon.

Inihayag ni exorcist priest Fr. Jose Francisco Syquia, head ng Commission on Extraordinary Phenomena ng Archdiocese of Manila na maraming sanhi ang pagkakaroon ng demonic possession sa mga eskwelahan tulad ng occult, malakas na pyschic energy mula pagkabata at kawalang katapatan sa Panginoon.

Mungkahi ng pari na palakasin ang espiritwalidad ng mga kabataan sa pamamagitan ng panalangin upang maiwasan ang demonic possession.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,961 total views

 14,961 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,629 total views

 23,629 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,809 total views

 31,809 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,816 total views

 27,816 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,867 total views

 39,867 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,645 total views

 5,645 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,252 total views

 11,252 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,407 total views

 16,407 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top