Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paalala ng simbahan sa mamamayan, “skip extravagance” ngayong Pasko

SHARE THE TRUTH

 29,634 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na ituon ang buhay kay Hesus sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Ayon sa obispo ang Christmas season ay hindi panahon para sa maluluhong materyal na bagay kundi ito ang panahong dapat magalak sa pagdating ng manunubos.

“This Christmas, avoid the rush and instead, focus on Christ. Skip the extravagance and instead, find simplicity. The true focus of Christmas should stem from the gratitude for what God had done in your life,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.
Paalala ni Bishop Santos na hindi kailangan ang magarbong pagdiriwang subalit panatilihin ang payak na paggunita sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus tulad ng kanyang pagdating sa mundo na isinilang sa payak na sabsaban.

Sinabi ng obispo na ipadama sa kapwa ang tunay na diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagbabahaginan lalo’t higit sa nangangailangan gayundin ang buong kababaang loob na pag-aalay ng sarili sa Diyos.

“Christmas is more than the act of giving. The true essence of Christmas is to offer, to offer ourselves completely to God. Jesus exemplified selflessness. He humbled Himself to become human and offered His life for our sins,” ani ng obispo.

Ipinadama naman ng Radio Veritas ang diwa ng pasko sa mga kapuspalad.

Nagsagawa ng gift giving activity ang Radio Veritas sa humigit kumulang 300 benepisyaryong naninirahan sa paligid ng himpilan sa Quezon City sa pangunguna ni Fr Anton CT Pascual ang pangulo ng himpilan katuwang ang Caritas Manila.

TIniyak ni Fr. Pascual ang pagpapalawig ng mga programa ng simbahan sa pangunguna ng social arm ng Archdiocese of Manila upang higit na mapaglingkuran ang mga maralita sa pamayanan hindi lamang sa panahon ng pasko kundi maging sa panahong kinakailangan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,081 total views

 18,081 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,181 total views

 26,181 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,148 total views

 44,148 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 73,312 total views

 73,312 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 93,889 total views

 93,889 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,292 total views

 4,292 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,900 total views

 9,900 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,055 total views

 15,055 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top