Pari, Nanawagan ng pagkakaisa na labanan ang HIV-AIDS

SHARE THE TRUTH

 168 total views

Hinimok ni Rev. Fr. Dan Vicente Cancino, MI ang executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Healthcare ang bawat mamamayan na makiisa sa pagpigil at pagsugpo ng HIV-AIDS sa bansa sa pamamagitan ng pagpapakonsulta sa mga pagamutan.

Binigyang diin ng pari na kung mas maaga malaman na positibo sa HIV ang tao mas maagapan ang pagbibigay ng Atensyong Medikal.

“Kung gustong makatulong huwag tayong matakot magpa-test libre po yan, huwag po tayong matakot malaman kung ano yung ating totoong sitwasyon, take note early detection, early treatment at kung may early treatment mas maaga ka mabigyan ng gamot mas hahaba po ang buhay natin.” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Sinabi ni Father Cancino na may mga ospital sa Metro Manila at maging sa iba pang lalawigan sa bansa ang nagbibigay ng libreng pagpapakonsulta at kung magpopositibo, ito ay irerefer sa mga treatment hubs kung saan katuwang ang Simbahang Katolika.

Sa tala mahigit sa 30 ang mga treatment centers sa bansa at 18 dito ang nasa Metro Manila.

Mayroon ding iba’t ibang programa ang Simbahan para sa HIV-AIDS tulad ng paglingap at pagkupkop sa mga person living with HIV lalo na ang mga inabanduna ng kanilang pamilya.

Bukod dito ay pinalalakas din ng Simbahan ang HIV awareness sa pangunguna ng Philippine Catholic HIV AIDS Network (PhilChan) katuwang ang ilang sektor at grupo sa bansa sa mga paaralan, diyosesis, at maging sa mga Basic Ecclesial Communities upang lalong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan hinggil sa sakit para makaiwas dito.

“Mayroon tayong iba’t ibang programa, una mayroon tayong Prevention, pag sinabi nating prevention nagfofocus tayo on awareness HIV Awareness pero inuumpisahan natin lagi on human Sexuality at pagdating ng Awareness pumupunta tayo sa iba’t ibang eskwelahan, Basic Ecclesial Communities (BEC), mga schools at Diocesans.” dagdag ng pari.

Samantala, nagpahayag din ng pagsuporta sa adbokasiya ng Simbahan na sugpuin ang paglaganap ng HIV-AIDS si Yasmien Kurdi, kilalang indibidwal sa larangan ng pag-arte sa telebisyon.

Aniya, dapat magkaisa ang bawat mamamayan na masugpo ang HIV AIDS at paalala sa mga mamamayan partikular sa mga kabataan na mag-ingat upang makaiwas sa naturang Virus.

“Number 1 diyan ay abstainance hanggat hindi kayo kasal huwag makipagtalik, pre-marital sex is a No-No and then pangalawa be loyal, do not Commit Adultery na iba iba yung mga partners tapos magkakahawaan siguro yun ang mga bagay na dapat iwasan ng mga kabataan or ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng HIV AIDS.” pahayag ng aktres sa Radio Veritas.

Kahapon, ika – 8 ng Hulyo matagumpay ang ang isinagawang Walk the Talk ng Diocese ng Antipolo na dinaluhan ng mahigit 2 – libong mananampalataya mula sa iba’t ibang mga parokya at Catholic schools ng Diocese.

Ito ay pinangungunahan ng Philippine Catholic HIV AIDS Network na layong ipalaganap ang edukasyon at kamalayan sa bawat mamamayan hinggil sa HIV AIDS.

Sa tala ng Department of Health may higit 11,103 ang kaso noong 2017 o 19 percent na pagtaas kumpara sa taong 2016 na 9,264.

Paalala pa ni Fr. Cansino sa publiko na isa sa pangunahing tugon para mabawasan ang bilang ng pagkahawa ay ang pagpapahalaga sa katawan bilang templo ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 64,175 total views

 64,175 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 77,742 total views

 77,742 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 73,352 total views

 73,352 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 71,067 total views

 71,067 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 75,328 total views

 75,328 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, nagpaabot ng dasal sa mga ama ng tahanan

 1,653 total views

 1,653 total views Hiniling ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang panalangin para sa mga haligi ng tahanan sa pagdiriwang ng Father’s Day sa June 16. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang chairman ng tanggapan, malaki ang tungkulin ng mga ama sa pagpapanatiling matatag at pagtataguyod ng bawat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pangangailangan ng mga kabataan sa St. Anthony parish, tinugunan ng Radio Veritas at Caritas Manila

 2,388 total views

 2,388 total views Magkatuwang ang Radio Veritas at Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong sa mga kabataan at iba pang benepisyaryo sa St. Anthony Parish sa Singalong Manila sa pagdiriwang ng kapistahan ng santo. Ayon kay Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen ito ang hakbang ng simbahan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan bukod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Charismatic leaders sa Asia-Oceania, magtitipon sa Cebu

 3,841 total views

 3,841 total views Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na makatutulong ang charismatic groups sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan sa tulong at gabay ng Espiritu Santo. Ito ang mensahe ng arsobispo sa paghahanda ng Archdiocese of Cebu sa kauna-unahang National Charismatic Leaders Conference sa July 27 at 28 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vow of Obedience, obligasyon ng isang Pari na sundin

 5,586 total views

 5,586 total views Umapela ang Archdiocese of Manila kay Fr. Alfonso Valeza na sundin ang kautusan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula makaraang alisin bilang parish administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo para tupdin ang mga programang inilalaan sa kanya. Ayon kay Archdiocese of Manila Vicar General at Moderator Curiae Fr. Reginald Malicdem, dapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Socom ministers, hinamong gamitin sa ebanghelisasyon ang makabagong teknolohiya

 6,792 total views

 6,792 total views Hinimok ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communication ang mamamayan na gamitin ang mga kasanayan at makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos. Ito ang hamon ni AOC Director at Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen sa kasapi ng social communications ministry ng mga parokya lalo na sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archbishop Villegas sa mamamayan, isang karangalan ang manindigan laban sa divorce

 10,680 total views

 10,680 total views Hinikayat ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na tiyakin ang mabuting pagpapasya at pagninilay bago makipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal. Ito ang bahagi ng pastoral exhortation ng arsobispo kasunod ng kuwestiyunableng pagpasa ng panukalang diborsyo sa mababang kapulungan. Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na mahalagang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Canonization ni Blessed Carlos Acutis, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya

 11,388 total views

 11,388 total views Ikinalugod ng grupo ng mga deboto ni Blessed Carlo Acutis sa Pilipinas ang pag-apruba ng Vatican sa kanyang canonization. Ayon kay Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, Chairperson, Christoffer Denzell Aquino, SHMI, napapanahon ang pagkilala ng simbahan sa batang banal lalo’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng kasalukuyang henerasyon. Sinabi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Selebrasyon ng BEC Sunday, pangungunahan ng CBCP- ECBE

 13,388 total views

 13,388 total views Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Basic Ecclesial Community na mas pinagtitibay ang munting pamayanan sa bansa para sa higit na pagmimisyon ng simbahan. Ayon kay CBCP-BEC Chairperson, Iligan Bishop Jose Rapadas III kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa iisang Diyos itinalaga ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakapasa ng divorce bill sa Kamara, isang hamon sa simbahan-Cardinal Advincula

 13,543 total views

 13,543 total views Iginiit ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi hadlang sa kristiyanong pamayanan ang pagkakapasa ng panukalang diborsyo upang manindigan sa kasagraduhan ng sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang tugon ng cardinal makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act nitong May 22. Binigyang diin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Senado, hinimok ng mga Obispo na patatagin ang pamilyang Pilipino

 14,145 total views

 14,145 total views Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas ang isipan ng mga mambabatas sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairperson ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ordinasyon ni Bishop Bersabal, isang biyaya sa church evangelization

 14,209 total views

 14,209 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mental health ng mga biktima ng pagsabog, pangangalagaan ng Archdiocese of Cotabato

 14,488 total views

 14,488 total views Tiniyak ng Archdiocese of Cotabato ang pangangalaga sa mental health ng mga biktima ng pagpasabog sa Sto. Niño Chapel nitong May 19. Ayon kay Archbishop Angelito Lampon, mahalagang hakbang ito upang matugunan ang labis na pagkatakot ng humigit kumulang 20 indibidwal na biktima ng insidente. “We have scheduled a debriefing for all those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Caritas Philippines, umaasang bukas sa dayalogo ang bagong Senate President

 15,295 total views

 15,295 total views Umaasa ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas sa dayalogo ang bagong liderato ng senad. Batid ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace na sa pamumuno ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri ay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbobomba sa catholic chapel, kinundena ni Cardinal Quevedo

 13,770 total views

 13,770 total views Mariing kinundena ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang paglapastangan sa bahay dalanginan at paghahasik ng karahasan. Ito ng tugon ng cardinal sa nangyaring pagpasabog sa Santo Niño Chapel sa Barangay Rosary Heights 3 , Cotabato City noong March 19 kung saan nasa 20 katao ang nagtipon at nagsagawa ng Bible study.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mayorya ng mga magsasaka, hindi nakikinabang sa programa ng pamahalaan

 13,641 total views

 13,641 total views Ito ang tugon ni KMP President Danilo Ramos sa paglilipat ng pangangasiwa ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) sa Department of Agriculture. Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas iginiit ni Ramos, dapat gumawa ng programa at polisiya ang pamahalaan na tiyak makatutulong sa mga magsasaka. “Gusto kong bigyan ng diin kung meron mang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top