Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Power generation,power transmission at power distribution, pinatutukan kay Digong

SHARE THE TRUTH

 166 total views

Umaasa si Dationg Catholic Bishops Conference of the Philippines President Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na mapapababa ng Duterte administration ang mataas na singil sa kuryente sa bansa.

Inihayag pa ni Archbishop Cruz na dapat pagtuunan ng susunod na pamunuan ang power generation, power transmission at power distribution sa mga negosyanteng humahawak at namamahala sa kuryente sa bansa.

“Ang pinakahihintay ko sana, ewan ko kung mangyayari ay yung power generation. Yung power transmission at power distribution ito ang hinihintay – hintay ko. Ewan ko nag – iisa lang ako dito. Sa buong mundo ang Pilipinas ang pinakamahal ang kuryente, sa buong mundo! Ano kaya ang patakaran ng ating administrasyon sa power generation, power transmission at power distribution,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Binatikos rin nito ang pagiging ganid sa salapi at kita ng halos 50 hanggang 60 porsyento ng electric industry sa bansa ay pagmamay –ari ng mga pribadong kumpanya.

“Lahat yan nasa private hands, private capitals at pumasok pa yung dating aalis na pamunuan na PPP raw public private partnership kasama rin yung mga public hospitals. Ang public funds is for public prefer kaya nagbabayad ang tao ng katakot – takot na buwis para ang gobyerno magamit ang perang yan para sa kabutihan ng mga tao. Ngunit hindi eh gagawing negosyo itong administrasyong darating ewan ko kung saan nakuha yun pero yun ang knyang PPP,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Nauna nang inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ang Pilipinas ay kabilang sa limang bansa na may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo. Ayon kay TUCP, sa kasalukuyan ay naglalaro na sa 10.52 pesos ang presyo ng kada kilo watt hour ng kuryente sa bansa, ika-lima sa pinaka mahal sa mundo.

Matagal na ring ipinapa – alala nga panlipunang turo ng Simabahang Katolika na laging isaalang – alang ang mga mhihirap sa anumang paggalaw ng presyo sa merkado.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 8,966 total views

 8,966 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 27,537 total views

 27,537 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 53,000 total views

 53,000 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 63,801 total views

 63,801 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 3,439 total views

 3,439 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 77,594 total views

 77,594 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 103,409 total views

 103,409 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 140,247 total views

 140,247 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567