Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese ng Ilagan, nagpapasalamat sa cash donation ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 394 total views

May 4, 2020-11:29am

Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Ilagan, Isabela sa Caritas Damayan ng Caritas Manila sa P300-libong ipapadalang tulong para sa residente ng kanilang nasasakupan na higit na apektado ng umiiral na lockdown dulot ng pandemic novel coronavirus.

Ayon kay Ilagan Bishop David William Antonio, ito ay malaking tulong para sa kanilang mamamayan lalu’t kabilang ang kanilang lalawigan sa pinalawig na pag-iral ng Enhanced community quarantine ng hanggang sa ika-15 ng Mayo.

“Malaking bagay po ito para sa kanila at para sa amin dahil ang napag-usapan nmain sa mga kaparian na importante na maipadama ng simbahan ang ating presensya lalu na sa panahong ito tayo ay nakikiisa kahit paano ano man ang maaring maitulong ay laking pasalamat nila,” ayon kay Bishop Antonio.

Sinisikap din ng simbahan sa Ilagan, Isabela na magpahatid ng tulong sa mga residente sa inisyatibo na rin ng bawat Parokya bagama’t ito ay limitado ay higit din ang pasasalamat ng mga residente.

Dagdag pa ng obispo, bagama’t ang Isabela ay itinuturing na ‘rice granary’ ng Northern Luzon ay hindi naman lahat ay may sariling lupang sasakahin.

“Kasi marami din dito lalu na sa urbanized areas na ordinary employees din o arawan lamang. Construction workers ay hindi naman sila pwedeng pumasok ngayon. Sila ang tinatarget natin para bigyan ng tulong,” ayon pa sa obispo.

Ang Diocese ng Ilagan ay may kabuuang 1.2 milyong mananampalataya sa 39 na Parokya na pinangangasiwaan ng 55 mga pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 30,193 total views

 30,193 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 41,357 total views

 41,357 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 77,513 total views

 77,513 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 95,315 total views

 95,315 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 33,851 total views

 33,851 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 14,589 total views

 14,589 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
1234567