Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, nagbabala sa publiko laban sa manloloko

SHARE THE TRUTH

 422 total views

July 28, 2020-1:30am

Walang hinihinging membership fee ang Caritas Manila para sa sinumang nais na humihingi ng tulong.

Nagbabala rin ang social arm ng Archdiocese of Manila sa publiko hinggil sa mga masasamang loob na ginagamit ang tanggapan para makapanloko ng kapwa.

Sa ulat, nakatanggap na reklamo ng Caritas Manila hinggil sa paniningil ng membership fee upang makatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga lima hanggang sa 10-libong piso.

“Since last week, we have been receiving complaints that some people have been going around collecting membership fees to qualify for the alleged “financial assistance” from Caritas Manila. Please be informed that we do not collect any membership fees and we are not providing financial assistance amounting to PhP5000 to 10000,” ayon sa pahayag ng Caritas Manila.

Hinikayat din ng Caritas Manila ang publiko na kagya’t ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang ganitong uri ng pananamantala.

Sakaling may indibidwal na humihingi ng salapi o donasyon gamit ang pangalan ng Caritas Manila mangyari lamang na ipagbigay alam ito sa telepono bilang 8-562 00 20 hanggang 25 local 131.

Maari ring magpaala ng pribadong mensahe sa Islas-Caritas Manila page o Caritas Islas facebook account.

Una na ring nanawagan ang simbahan sa bawat isa na huwag gamiting dahilan ang pandemya para makapanlamang o manloko ng kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 20,101 total views

 20,101 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 28,201 total views

 28,201 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 46,168 total views

 46,168 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 75,299 total views

 75,299 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 95,876 total views

 95,876 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top