Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtaas ng Presyo ng Bilihin

SHARE THE TRUTH

 4,214 total views

Tayong mga Pilipino, excited talaga pag darating na ang pasko. Setyembre pa lamang, ramdam mo na sa ating bayan ang kapaskuhan. Medyo bawas nga lamang nitong taon dahil nga sa Delta surge, pero ngayon, kitang kita natin, binabawi na ng mga tao ang mga oras na ninakaw ng pandemya. Walang makakapigil sa Pilipino sa pagdiriwang ng pasko.

Kaya lamang, kada taon, kasabay na sumasalubong sa mga tao ang pagtaas ng bilihin tuwing pasko. Lagi na lamang, kailangan nating bantayan ang presyo ng mga pangunahing mga bilihin pati na rin ng mga Christmas staples gaya ng queso de bola. Gaya ng excitement ng mga Filipino, hindi rin mapigilan ang pagtaas ng presyo nila.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kahit papaano, bumagal na rin ang pagtaas ng inflation rate sa ating bansa, o ang antas ng pagtaas ng presyo. Noong Agosto 2021, nasa 4.9% ito. Nitong Setyembre, naging 4.8% na lamang. Nabawasan ng bahagya, pero mataas pa rin ito kapanalig, lalo na sa ordinaryong mamamayan na hindi man lang nadagdagan ang kita o nawalan na ng kita.

Marami ang nababahala dito ngayon dahil tuloy tuloy ang pagsipa ng presyo ng krudo. Baka kasi magdomino-effect dahil kapag tumaas ang krudo, tataas ang transport cost ng mga produkto, na magtutulak na naman ng pagtaas ng presyo ng mga products and services na kailangan ng bayan.

Ang pagtaas ng presyo ay malaking balakid para sa masayang pasko ng maraming Filipino na kay tagal ng naghintay na maging malaya at masaya matapos ang napakahabang quarantine sa ating bansa. Nakakagulat nga lamang na sakto sa pagluwag ng mga mobility restrictions sa ating bansa, tumaas naman ang krudo, pati ang mga presyo ng pangunahing bilihin.

Sa ganitong sitwasyon natin nararamdaman ang tinatawag ni Pope Pius XI na “international imperialism of money”  na nabanggit sa Populorum Progressio, bahagi ng ating Catholic Social Teachings. Ang imperialism of money ay bunga ng isang panlipunang sistema na kita o pera ang pangunahing motibo ng pag-iral o existence.

Kapanalig, alam natin na kailangan makabangon ng ating ekonomiya at ng napakaraming mga negosyo ngayon, ngunit mainam din nating maalala na hindi lahat makakabangon kung ang mga batayang produkto at serbisyo ng bayan ay hindi kaya ng ordinaryong bulsa. Sa puntong ito kung kailan napakataas na ng presyo ng bilihin, dapat lagi nating maalala na ang ekonomiya ay dapat laging maglilingkod sa tao (the economy should be at the service of men).

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 76,763 total views

 76,763 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 89,303 total views

 89,303 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 111,685 total views

 111,685 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 131,082 total views

 131,082 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 25,199 total views

 25,199 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PORK BARREL

 76,764 total views

 76,764 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 89,304 total views

 89,304 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 111,686 total views

 111,686 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 131,083 total views

 131,083 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 167,500 total views

 167,500 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 167,721 total views

 167,721 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »

Family drama sa pulitika

 181,465 total views

 181,465 total views Mga Kapanalig, ilang dekada nang itinutulak ng marami ang isang batas na magbabawal sa pagtakbo sa pulitika ng mga magkakamag-anak. Tama na raw

Read More »

Labanan ang violence against women

 190,232 total views

 190,232 total views Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito

Read More »

Klima sa usapin ng kalusugan

 213,527 total views

 213,527 total views Mga Kapanalig, “normal” na sa ating bansa ang mas mainit na panahon at mas malakas na mga bagyo. Dala rin ng mga ito

Read More »
Scroll to Top