Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga preso, itrato ng makatao

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Ipagdiriwang ng Simbahang Katolika ang 39th Prison Awareness Sunday” sa Oktubre a-30, araw ng Linggo.

Ayon kay Sr. Zeny Cabrera, coordinator ng Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry, ito ay may temang “Lord help us to seek and save the lost.”

“Sa darating na linggo ipagdiriwang ang ‘Prison Awareness Week, at sa October 30, 2016, ang ika-29th year ng pagdiriwang ng Prison Awareness Sunday, ang tema ay umaayon sa mga nangyayari ngayon sa kapaligiran lalo na sa mga preso o kulungan na sinasabi nila. Ito ay may temang “Lord help us to seek and save the lost’ na patungkol sa mga naliligaw ng landas at nangangailangan,” pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Pahayag ng madre, ang temang ito ay umaayon sa mga nagaganap ngayon sa kapaligiran lalo na sa mga sitwasyon ng mga bilanggo na nasa iba’t-ibang kulungan sa bansa na nangangailangan ng tulong mula sa Panginoon, pamilya at sa lipunan.

Sinabi pa ni Sr. Cabrera na nangangailangan ng tulong ang mga preso lalo na at tila hindi na makatao ang kanilang kalagayan sa mga bilangguan halimbawa na lamang sa usapin ng espasyo.

Sinasabing sa isang kulungan na may kapasidad lamang na 30-50 preso, umaabot sa 100-150 ang inilalagay dito kaya’t maging ang kanilang pagtulog ay naka-schedule na rin.

“Dapat ito ay maging lugar tungo sa pagbabagong buhay ng mga dinadala doon, dapat maihalintulad sa isang ospital na ang mga maysakit inaasahan na gagaling kapag dinala, pagbabago at pag-aayos ng kanilang buhay, pero sa kalagayan natin sa mga kulungan ngayon, ang pinag-uusapan dito ay ang kalagayan na parang hindi na makatao, ang physical condition ng mga bilangguan ay di tumutugon sa makataong pamamalakad dahil unang-una yung isang selda na dapat 30-50 persons lamang ang naroroon ay more than 100-150 ang iniaabot ngayon lahat ng gagawin nila ay monitored dahil by schedule ang kanilang pagtulog, ang higaan nila ay semento, imposibleng bigyan mo sila ng bed kasi wala ngang lugar,” ayon pa sa madre.

Sa record ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), hanggang noong Setyembre ng 2016, nasa 94,320 ang bilanggo sa buong bansa
Una na ring nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na ituring ang mga bilanggo na isang normal na indibidwal at i-trato silang makatao lalo na at sila ay nangangailangan ng pang-unawa at pagkalinga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 22,850 total views

 22,850 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 34,014 total views

 34,014 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 70,294 total views

 70,294 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 88,097 total views

 88,097 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 75,534 total views

 75,534 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 101,349 total views

 101,349 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 138,885 total views

 138,885 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567