Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Administrasyong Marcos, hinamong ipatupad ang malinaw na employment plan

SHARE THE TRUTH

 550 total views

Malinaw na employment plan sa labor sector at maayos na agrarian reforms sa sektor ng agrikultura.

Ito ang panawagan sa pamahalaan ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa mabagal na paglago ng ekonomiya dahil sa mataas na inflation rate, mataas na presyo ng mga bilihin, oil price hike at kawalan ng trabaho ng mga manggagawa sa iba’t-ibang sektor.

“Gaano man ka-limitado ang espasyo para sa mga unyon at labor rights advocates sa ganitong proseso, hindi makakailang ang kawalan ng Philippines tri-partite Labour & Employment Plan ay senyales din ng pagpapatuloy ng kawalang-pansin sa napakahirap na kalagayan ng mga manggagawa mula sa administrasyong Duterte hanggang sa ngayon,”mensahe sa Radio Veritas ni Rochelle Porras, Executive Director ng EILER.

Ikinadismaya ni Porras ang kakulangan ng pagtugon ng administrasyong Marcos sa pangangailangan ng mga manggagawa.

Tinukoy ni Porras ang Philippine Statistics Authority na umabot sa 2.68-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa nakaraang buwan ng Agosto 2022 lalu na sa sektor ng agrikultura na naitala sa 286-libo.

Pinangangambahan ni Porras na lalu pang babagsak ang agriculture sector kung patuloy na hindi maipatupad ng kasalukuyang administrasyon ang mga agricultural reform.

“Dapat nang ipatupad ang tunay na repormang agraryo upang maisulong ang pagpapaunlad ng kanayunan at pambansang industriyalisasyon, nang sa gayon ay makalikha ng disenteng trabaho at matiyak na may marangal na kabuhayan ang mga Pilipino,”pahayag ni Porras sa Radio Veritas.

Bukod sa mataas na unemployment rate, umaabot na rin sa 3.1-million ang poverty rate ng mga Pilipino sa unang quarter ng 2022.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na lumikha ng mga polisiya at batas na tutulungan ang mga manggagawa upang makapamuhay ng may dignidad sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,501 total views

 25,501 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,589 total views

 41,589 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,254 total views

 79,254 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,205 total views

 90,205 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 32,065 total views

 32,065 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 25,414 total views

 25,414 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top